• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kabila ng new normal set up, tuloy-tuloy pa din ang environmental advocacy kasama ang mga bituin.

Regine Velasquez, aawit para sa kalikasan

Sa kabila ng new normal set up, tuloy-tuloy pa din ang environmental advocacy kasama ang mga bituin.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/27/2020 09:07 AM
Regine Velasquez, aawit para sa kalikasan
Photo Credit: @reginevalcasid Instagram

United para sa layunin ng pangangalaga sa kalikasan ang mga bigating bituin para sa gaganapin na Eco Festival 2020.

Ang Eco Festival 2020 ay isa sa programa ng PLDT-Smart Gabay Kalikasan para imulat ang mas marami pang Pilipino sa pangangalaga sa kalikasan.

Kasama ang mga topnotch singers, isang virtual gathering ang handog ng Gabay Kalikasan kung saan ilang kanta at ilang tips sa simpleng pangangalaga sa kalikasan ang kanilang iaabot sa tulong ng mga singers tulad nina Regine Velasquez, KZ Tandingan, Morissette, Mark Bautista, Christian Bautista, Erik Santos, Aicelle Santos, Sam Concepcion, Neo Colors, The Company, Darren Espanto, Matteo Guidicelli, at Songbird Regine Velasquez-Alcasid.


Ang Eco Festival ay isa na rin sa paraan ng PLDT-Smart Gabay Kalikasan para ipalaganap at ipaintindi sa maraming Pilipino ang epekto ng Climate Change na nararanasan dito sa Pilipinas.

Bukod sa Eco Festivial, non-stop rin ang environmental efforts ng Gabay Kalikasan sa tulong ng PLDT-Smart Sustainability Group mula sa reforestation, mangroves connection, at marine protection.

Para kay Chief Sustainability Officer Chaye Cabal-Revilla, malaking bagay na sa tulong ng influence ng mga showbiz personalities ang isa sa mga maging daan nila para ipalaganap ang environmental awareness na kailangan malaman ng karamihan.

 

 

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by eriksantos (@eriksantos)

 

 

“At PLDT-Smart, we try to do better than let our business speak for us.  Like most of you, we implement simple yet effective measures that are more environment-friendly,” sabi ni Revilla.

 

 

Ang Eco Festival rin ang isa sa mga programa ng PLDT-Smart Gabay Kalikasan sa ipinagdiwang na National Climate Change Awareness Week na nitong November 19 to 25.

Mapapanood ang Eco Festival ngayong Sabado, November 28 sa Facebook page at YouTube channel ng Gabay Kalikasan.