• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunod sunod ang dating ng mga project kay Kokoy De Santos kahit may pandemiya.

Kokoy De Santos, tila di naapektuhan ng pandemya ang kanyang career

Sunod sunod ang dating ng mga project kay Kokoy De Santos kahit may pandemiya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/27/2020 04:16 PM
Kokoy De Santos, tila di naapektuhan ng pandemya ang kanyang career
Photo Credit: @kkydsnts Instagram

Hindi apektado ng COVID-19 pandemic ang aktor na si Kokoy de Santos. Pagkatapos niyang bumida sa BL series ng IdeaFirst Company na Gameboys kasama si Elijah Canlas ay nasundan agad ito ng isa pa ring BL series titled Oh, Mando! na napapanood sa iWant.

Sa Oh, Mando ay kasama ni Kokoy sina Barbie Imperial at Alex Diaz. Ang digital series ay sa direksyon naman ni Eduardo Roy Jr.

May TV project ding ginagawa si Kokoy sa Cornerstone Entertainment para TV5 na ang title ay Stay-in Love. Partner naman niya dito ang Kapamilya star na si Maris Racal.


Dahil very much identified ang binata sa mga BL series kaya inusisa ng press kung nakabitaw na ba siya sa role na lalaki ang kanyang love interest.

Sagot ni Kokoy, “Kailangan, eh. Kailangan natin lagyan ng flavor, kumbaga. Bagong character, eh. 

“Sa tingin ko, nakatulong du’n yung katrabaho ko si Maris at siyempre, sa gabay din ni direk kung paano ko titimplahin yung magiging charater ko.”

Inamin din ng binata na mas nanibago siya sa lock-in taping kumpara sa ginagawa nila noon sa BL series na ang taping aysa kani-kanyang bahay lang.

“Tingin ko, mas nakakapanibago kasi on set na talaga at lock-in. Talagang iba yung dating compared du’n sa shoot from home, work from home,” sambit pa niya.

Ipinagpapasalamat din ni Kokoy na kahit sa panahon ng pandemya ay may mga projects na dumarating sa kanya. 

Aniya, “Sobrang thankful ako. Blessed talaga kung yon yung salitang makakapag-describe ng iniisip ko at sobrang overwhelming. Kasi sino ba naman makakaisip kung kelan may pandemya ay magkakaroon ng proyekto.

“At hindi lang isa, hindi dalawa. At yung nabibigay nablessings ni Lord talaga namang iba. Ibang klase kaya, tingin ko, salamat. Salamat talaga kay Lord.”

Samantala, bukod kay Maris ay kasama ni Kokoy sa Stay-in Love project sina Marc David, Ruffa Gutierrez, Bobby Andrews, at Pooh.