• Home
  • Fresh Scoops
  • Ready na ba ang mga magulang ni Trina Legaspi na ibigay siya sa kanyang boyfriend?

‘Kailan pwede ikasal?’: Fans ni Trina ‘Hopia’ Legaspi tinanong ang kanyang mga magulang

Ready na ba ang mga magulang ni Trina Legaspi na ibigay siya sa kanyang boyfriend?

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/27/2020 02:07 PM
‘Kailan pwede ikasal?’: Fans ni Trina ‘Hopia’ Legaspi tinanong ang kanyang mga magulang
Photo Credit: @trinalegaspi Instagram and Screenshot from Hello Hopia YouTube Channel

Tinupad ni Trina Legaspi ang request ng kanyang mga tagahanga na gumawa ng mukbang video kasama ang kanyang mga magulang sa kanyang pinakabagong vlog.  

Dito, napag-usapan ang tungkol sa love life ng kanyang mga magulang na sina Daddy Ding at Mommy Minnie hanggang sa napunta ang usapan sa relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Ryan Jarina. 

 


 

May isang fan na nagtanong sa mga magulang ni Trina kung kailan sila pwedeng mag-isang dibdib ng kaniyang kasintahan. At dahil mayroon na umano silang trabaho ng kanyang boyfriend, tingin ng kanyang ama ay nasa tamang edad na ito upang magpakasal. 

READ: EXCLUSIVE: Trina ‘Hopia’ Legaspi now ready to pursue showbiz career after finishing college

“Eh di right age. Tapos ngayon ko lang na-feel na napakasarap pala ng may apo. So sa edad namin ni Mommy na senior citizen na nagkaroon ng apo, right time na palagay ko lalo pa’t kayo naman ay may hanapbuhay din na matatag. Tapos na kayo mag-aral,” saad ng kanyang Daddy Ding. 

 

 

Pagpapatuloy nito: “Kumbaga ang role ng isang magulang kasi, mapagtapos ang anak at masubaybayan hanggang sa siya’y magkaroon din ng pamilya. Dapat medyo bata bata pa ‘yung lolo para makasama niya ng matagal ang kanyang mga apo. Tapos kami naman, nakasubaybay, nakasuporta para maging successful ang marriage niyo ng iyong future husband.” 

Samantala, hindi pa ready ang ina ni Trina na si Mommy Minnie na makitang ikasal ang kanyang anak. 

“Ako gusto ko 2022 pa nga eh kung masusunod eh. Kasi nga, bata pa. At least wala nang pandemic siguro. COVID-free na,” saad nito. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Kamakailan ay gumawa ng prank si Trina at ang kanyang boyfriend kung saan nagpanggap siyang nagdadalang-tao sa harap ng kanyang ina. 

Ipinanganak bilang Katrina Legaspi, nakilala si Trina bilang Hopia sa sikat na kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Bagama’t hindi tuluyang iniwang ang showbiz, nagta-trabaho si Trina bilang financial advisor sa isang malaking kumpanya. 

LOOK: Trina "Hopia" Legaspi as Kat in A Love To Last

Bahagi siya ng talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic.