Maffi Papin, hiling ang dasal para sa kanyang anak

Kasalukuyang nasa ICU ang apo ni Imelda Papin.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/26/2020 03:50 PM
Maffi Papin, hiling ang dasal para sa kanyang anak
Photo Credit to Maffi Papin Carrion Facebook

Labis na nangangamba ang singer na si Maffi Papin para sa kalagayan ngayon ng kanyang anak na si Zach Carreon na na-admit sa ICU.

Sa Facebook post ni Maffi, hindi napigilan ng singer na ihingi ng dasal ang kanyang anak na kasalukuyan ngayong naka admit sa ICU ng isang ospital.


“I truly didn’t want to post this but can I ask for a continuous prayer chain for my son Zach. He is in the ICU,” sabi pa ni Maffi.

Bilang nanay ramdam ni Maffi ang pangamba para sa anak. 

READ: Maffi Papin, to the rescue sa inang si Imelda Papin

“His platelet count dropped drastically even after continuous blood transfusion. He is a strong and resilient kid and I know he’ll pull through. Thank you,” pahayag pa niya sa post.

Si Maffi Papin ay anak ng Jukebox queen na si Imelda Papin na boses sa likod ng mga awiting “Bakit”, “Guhit ng Palad”, at “Isang Lingong Pag-ibig”.