Disenyo ni Mak Tumang, bumida sa Thailand

Thai beauty queen naman ang binihisan ni Mak Tumang

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/26/2020 05:48 PM
Disenyo ni Mak Tumang, bumida sa Thailand
Photo credit: @veenapraveenar @maktumang IG

Muling pinahanga ng Filipino fashion designer na si Mak Tumang ang international community partikular na sa Thailand.

Kasunod ito ng custom-made gown na kanyang ginawa para sa 2020 Miss Universe Thailand first runner up na si Veena Pravenar.

Sa Instagram, ipinasilip ng Pinoy fashion designer ang kanyang yellow sequined creation na gagamitin ng Thai beauty queen para sa Mouwad event sa Thailand.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mak Tumang (@maktumang)

/p>

Sa personal na Instagram post naman ni Veena Pravenar, pinasalamatan nito ang ang Pinoy fashion designer sa magandang gown na ginawa nito para sa kanya.

“Inspired by the moonlight, the evening gown ‘To the Moon and Back’, exclusively made by the internationally recognized Filipino fashion designer Mark Aldane Velasco Tumang under the brand ‘Maktumang’ tonight at the Mouawad’s luxurious jewelry fashion show. @maktumang.”

Binanggit rin ng Thai beauty queen ang naging pagpapahalaga ni Mak sa relasyon ng Thailand at Pilipinas sa kabila ng mainit na kompetisyon ng maraming fans sa larangan ng beauty pageant.

“We are grateful to the tremendous support, resources and invaluable time dedicated from Maktumang. Thank you very much once again for fostering the relationship between Filipino and Thai beauty pageant.”

 

 

Si Mak Tumang ang designer ng mga markadong gowns ng Pinay Miss Universe na si Catriona Gray sa naging laban nito sa Miss Universe noong 2018 sa Bangkok, Thailand.