• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang ni Ivana Alawi at ng kanyang pamilya ang pagkakaroon niya ng 10 million subscribers sa video-sharing platform na YouTube.

Ivana Alawi, naka-10 million subs na sa YouTube kahit isang taon pa lang

Ipinagdiwang ni Ivana Alawi at ng kanyang pamilya ang pagkakaroon niya ng 10 million subscribers sa video-sharing platform na YouTube.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/25/2020 09:34 AM
Ivana Alawi, naka-10 million subs na sa YouTube kahit isang taon pa lang
Photo Credit: @ivanaalawi Instagram

Ipinagdiwang ni Ivana Alawi at ng kanyang pamilya ang pagkakaroon niya ng 10 million subscribers sa video-sharing platform na YouTube nitong Lunes, Nobyembre 23.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


 

Sa Instagram page ni Ivana, makikita ang family photo niya, kasama ang kanyang ina na si Fatima at mga kapatid na sina Mona at Hash, na madalas niyang kasama sa kanyang mga vlogs.

Ani ng aktres sa post, "HAPPY 10 MILLION!!! 1 year and 2 months on YouTube. Thank you for making all this possible. We love you!!! -Alawi Family." 

June 2018 nagsimula ang YouTube channel ni Ivana ngunit late August ng 2019 lamang siya unang nag-upload ng video rito. Samantala, September naman ng taon din iyon nang mag-upload siya ng kanyang "first vlog."

Naging patok sa mga netizens ang mga videos ni Ivana na parating lumalagpas sa isang milyon ang mga views. Ang kanyang "A Day In My Life" vlog pa rin kung saan ipinakita niya ang sarili na gumagawa ng mga gawaing bahay ang siyang pinakapumatok with 24 million views. 

Bukod sa kanyang daily activities ay naaliw din ang mga netizens sa mga prank vlogs at games niya kasama ang kanyang pamilya. 

Hinangaan din siya ng mga fans sa kanyang pagkakawang gawa. In fact, sa kanyang huling vlog ay namahagi siya ng mga relief goods sa mga taga-Cagayan at Isabela. Maalalang kasama ang mga probinsyang ito sa mga matinding naapektuhan ng Bagyong Ulysses na nanalasa nitong buwan. 

Bilang aktres, huling napanood sa telebisyon si Ivana sa ABS-CBN primetime series Mea Culpa: Sino Ang May Sala. Naging bahagi rin siya sa long-running teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.

LOOK: Ivana Alawi, bibida sa bagong teleseryeng ‘Ang Lihim ng Ligaya’

Pebrero ng taong ito nang ianunsyo ang bagong telserye na kanya sanang pagbibidahan na Ang Lihim ni Ligaya. Subalit, na-postpone ito. 

Sa kasalukuyan ay active si Ivana sa kanyang YouTube channel at social media accounts.