• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinataba ng puso ni Marian Rivera ang birthday wish ng kaniyang unica hija.

Marian Rivera, ibinunyag ang birthday wish ng anak na si Zia

Ikinataba ng puso ni Marian Rivera ang birthday wish ng kaniyang unica hija.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2020 05:44 PM
Marian Rivera, ibinunyag ang birthday wish ng anak na si Zia
Photo credit: @marianrivera IG

Sa isang simpleng birthday celebration, ipinagdiwang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang fifth birthday ng kanilang panganay na si Zia.


Photo courtesy @marianrivera IG

Sa recent Instagram update ng aktres, makikita ang simpleng birthday celebration kung saan kalakip ng post ni Marian ang birthday wish ng kaniyang panganay.

Ayon kay Marian, labis na ikinataba ng kaniyang puso at ikinagulat na rin ang hiling ng anak.

 

“Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends, and everyone she knows safe and for the World to be healed,” ang caption ni Marian sa post.

Masaya rin si Marian sa pagiging “thoughtful” ng kaniyang unica hija.

“Thank you for being such a thoughtful daughter, mama is always here to protect and support you all the way... Happy Birthday Anak! 🥳❤️ Mahal na mahal ka namin. #HappyBirthdayAteZia 🖐🏻” pahayag ni Marian sa post.

In a previous interview with PUSH, inamin ni Marian na gusto niyang bigyan ng normal na buhay ang kaniyang lumalaking mga anak away sa spotlight ng showbiz.

“Si Zia kasi ang tipo ng bata na mature na mag-isip kaya nag-usap kami ni Dong na at a certain age niya, puputulin namin lahat ng social media niya,” aniya.

Dagdag pa ni Marian, “Gusto rin kasi namin maramdaman niya ‘yung pagiging normal.”

RELATED ARTICLE: Marian Rivera, planong ilayo sa social media si Zia at Ziggy

Sa ngayon, tutok si Marian bilang isang nanay sa lumalaking mga anak na Zia at Ziggy.