• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang magandang balita para sa fans ng ‘Gameboys’ na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos.

‘Gameboys’ ni Elijah Canlas at Kokoy De Santos mapapanood soon on Netflix

Isang magandang balita para sa fans ng ‘Gameboys’ na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Kokoy De Santos.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2020 05:31 PM
‘Gameboys’ ni Elijah Canlas at Kokoy De Santos mapapanood soon on Netflix

Sa isang teaser video ng Netflix Philippines, ibinahagi mismo ng Gameboys stars Elijah Canlas at Kokoy De Santos ang magandang balita na mapapanood na kanilang series sa streaming platform.

 

 

“The rumors are true! Ahh!! Caimazing and Angel2000 are finally headed to Netflix. Gameboys Level-Up Edition drops on December 30,” captioned ng Netflix Ph sa kanilang Twitter post.

Bukod sa mga exciting at kilig na eksena sa mga napanood sa YouTube noon, asahan ang never-before-seen na mga eksena na posibleng idagdag sa love story nina Cairo Lazaro at Gavreel Mendoza sa darating na December 30.

 

Netflix, baby! Gameboys becomes the first Filipino BL series to be shown on the popular streaming platform! Streams globally starting Dec 30! #GameboysOnNetflix

Posted by The IdeaFirst Company on Sunday, November 22, 2020

 

Hindi lang sa Pilipinas mapapanood ang Gameboys, dahil sa globally mapapanood na rin sa Netflix ang isa sa mga matagumpay na Pinoy BL (Boy Love) series na kinagiliwan ng mga Pilipino.

Mayroong 13 episodes ang season 1 ng Gameboys na ang nabuo sa kalagitnaan ng Enhanced Community Quarantine ECQ sa Metro Manila dahil sa COVID-19.

Ang Gameboys ay mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal sa produced by The IdeaFirst company na nasa likod ng mga markadong pelikula tulad ng The Panti Sisters, Born Beautiful, at Die Beautiful.