• Home
  • Fresh Scoops
  • Sumailalim sa operasyon ang aktres na si Claudine Barretto para sa na-injure nitong kanang kamay.

Claudine Barretto, sumailalim sa hand surgery

Sumailalim sa operasyon ang aktres na si Claudine Barretto para sa na-injure nitong kanang kamay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/23/2020 03:41 PM
Claudine Barretto, sumailalim sa hand surgery
Screenshot from @claubarretto Instagram

Sumailalim sa operasyon ang aktres na si Claudine Barretto para sa na-injure nitong kanang kamay.

Sa Instagram, nagbigay ng update si Claudine sa kanyang mga taga-hanga ilang minuto bago ito sumalang sa operasyon.

"They are going to operate on my right hand. Good morning, kapag nakakakita ako ng naka-blue at green kinakabahan ako," aniya.


 

 

Ayon sa aktres, na-injure ang kanyang kanang kamay noong nakaraang taon, sa lamay ng kanyang yumaong ama na si Miguel Alvir Barretto.

 

 

"If you remember last year, na-ospital ako during my dad's wake. 'Yung right hand ko medyo nagkaproblema. Nung chineck ng doctor, I have to have an emergency procedure or operation. So I'm asking everybody to please pray for me. Not to worry my palanggas and Claudinians, kasi strong naman ako, kaya ko naman. ... I'm really scared pero my Ate Gretchen ever since this morning she's making me laugh and laugh and laugh. At least naging maganda ang araw ko," aniya.

Matatandaang noong nakaraang taon ay isinugod sa ospital si Claudine matapos umanong magtamo ng galos at pagkahilo nang makaalitan ang kapatid na si Marjorie Barretto. 

READ: Claudine Barretto, na-ospital matapos magkatensyon sa burol ng ama

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Ruby Baguhin nagkasagutan daw sina Claudine at Marjorie, at nandoon din ang anak ng huli na si Julia nang mangyari ang mainit na komprontasyon.

Si Ruby ay kabilang sa staff ni Gretchen na kasama ni Claudine nang isugod ito sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.

Ang nasabing komprontasyon ay nangyari isang araw matapos dumalaw sa burol ng kanilang yumaong ama ang isa pa nilang kapatid na si Gretchen Barretto.