• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy tuloy sa pagtulong ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Ruffa Gutierrez, may pahayag sa mga ‘mema’ sa social media

Tuloy tuloy sa pagtulong ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/22/2020 10:24 AM
Ruffa Gutierrez, may pahayag sa mga ‘mema’ sa social media
Photo credit: @iloveruffag Instagram

Isang proud mom ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa naging charity efforts ng kaniyang dalawang anak na si Lorin and Venice Bektas sa pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Recently kasama ni Ruffa ang kaniyang dalawang dalagang anak sa naging charity work na binuo ng grupo ng business man at politician na si Luis Chavit Singson kung saan kasama rin si KC Concepcion.

“Ang sarap sa feeling na gusto nilang tumulong. Hindi ko sila kailangang pilitin and they already [instilled] it to their heart,” tugon ni Ruffa in an interview with Cinema News.

Aniya, maagang namulat ang dalawang anak sa charity work kaya naman hindi na kailangan pa na turuan ito.

“Bata palang sila nag Habitat for Humanity na kami nag World Vision na kami, so they also do charity work and service learning work in school so sanay na sanay na sila and ang sarap sa feeling na ‘mommy I enjoyed our time in Marikina and Cagayan because we were able to do so much,’” sabi pa ni Ruffa.

Bukod sa pagsama sa relief efforts, mayroon din personal efforts ang mga dalagang anak ni Ruffa sa pagbabahagi ng tulong.

As a matter of fact at this time, Lorin is at her friend’s house. They’re baking cookies to donate the funds for typhoon Ulysses. It’s just cookies, magkano lang naman ang cookies pero you know ang sarap sa feeling na ang mga anak ko talaga they have a heart of gold and nakikita ko silang tumulong,”aniya pa.

Proud rin ang aktres sa malaking puso ni KC Concepcion na kilala sa pangunguna ng mga charity work sa mga nangangailangan.

KC has always a heart of gold as well she loves humanitarian works she’s done so much already so it was fun being her seat mate and mahal na mahal ko yang si KC dahil sa matagal na pinagsamahan namin,” sambit pa ni Ruffa.

At dahil nabibigyan ngayon ng ‘di magandang bansag ang ilang showbiz personality sa kanilang ginagawang pag-tulong, hindi na isantabi ni Ruffa ang kaniyang saloobin tungkol dito.

Well alam mo ang mga tao, They just become so negative. MEMA!” ani aktres.

“Mema sabi lang sila you know, when you post a selfie, ay bakit siya nag se-selfie you post something that you are happy with your family, ‘bakit siya nag sasaya e lahat naghihirap?’ Pag may post ka na tumutulong ka, ‘Bakit kailangan mo pang i-post?’ Girl, wag na kayong maging nega, tumulong na lang kayo, maging masaya na lang kayo sa buhay niyo. Napakahirap ng mga pinagdaanan natin nitong 2020 and I think this is the time for all of us to come together be positive and enjoy your life because life is short and just help. That’s all,” nakangiting pahayag ni Ruffa.

Bukod sa Cagayan, binisita rin ng aktres ang ilang bahagi ng Rizal at Marikina City na naapektuhan ng matinding pagbaha.