• Home
  • Fresh Scoops
  • Dream come true para kay Ivana Alawi ang maging pinakabagong mukha ng isang liquor brand.

Ivana Alawi making temperatures rise as newest calendar girl

Dream come true para kay Ivana Alawi ang maging pinakabagong mukha ng isang liquor brand.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/21/2020 03:16 PM
Ivana Alawi making temperatures rise as newest calendar girl
Photo Credit: @ivanaalawi Instagram

Sizzling hot sa kanyang photos bilang latest calendar girl ng Tanduay Rhum ang aktres na si Ivana Alawi.

Sa Instagram, ibinandera ni Ivana ang kanyang sexy photos at inanunsyo na siya ang bagong aabangan ngayong parating na 2021. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Inilarawan ng brand ng inumin si Ivana bilang isang "capable, confident, trendy, the modern woman."

Samantala, ibinahagi din ni Ivana sa interview niya para sa horror film na "Sitsit" na kahit maraming kalalakihan ang humahanga sa kanya, walang naglalakas loob na manligaw kaya single pa din siya hanggang ngayon. 

"Yung mukha ko daw nakaka-intimidate so lagi silang na-i-intimidate mukha ako. Minsan may mga taong natatakot manligaw and hanggang ngayon ganun pa rin yung feeling. Takot pa rin sila manligaw (laughs),” paliwanag niya.  

Vocal din kasi si Ivana sa pagsasalita para sa karapatan ng mga kababaihan. 

READ: Ivana Alawi supports women empowerment: ‘I’ve experienced so many harassments’

“I’ve experienced this before when I used to work in events, when I used to do modeling. I’ve experienced so many harassments, not just catcalling, I’ve experienced people touching my body without permission and this is not right. I always stand dun sa tama. Dun ako  kung saan ang tama and respecting people, kahit babae yan, lalake yan, we need to be respected  and no matter kung ano yung suot, dapat nirerespeto kasi especially yung mga babae they deserve to be respected and they deserve to be loved kasi women are very strong. Women bring life to this world. So dapat nirerespeto sila,”   sabi pa ng aktres.