Signature looks ni Catriona Gray, inspirasyon sa isang manyika

Ibang level ang paghanga ng isang Pinoy kay Catriona Gray.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/20/2020 06:38 PM
Signature looks ni Catriona Gray, inspirasyon sa isang manyika
Photo credit: @pinoymanika IG

Mainit na pinag-usapan ang naging look ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa naganap na Miss Universe Colombia pageant. Kaya naman ilang pageant fans ang hindi pa din maka get over sa looks ng 4th Pinay Miss Universe, kabilang na dito ang isang doll enthusiast na si Eric Benito ng Pinoy Manika.

Sa bagong Instagram post ng Pinoy Manika, ibinida nito ang doll version ng Catriona Gray in yellow bell dress na gawa ng Pinoy fashion designer na si Leo Almodal. Mula sa buhok, makeup, at tabas ng gown ay kuhang-kuha ang naging looks ni Catriona sa kanyang appearance sa Miss Universe Colombia pageant.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Eric Benito (@pinoymanika)

 

Kilala na rin ang Pinoy Manika sa pag gawa ng ilan pa sa signature look ni Catriona, tulad ng ang final look ng Pinay Miss Universe noong 2018 suot ang lava gown by Mak Tumang.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Eric Benito (@pinoymanika)

 

Bukod kay Catriona, ilang doll version din ang makikita sa Instagram ng Pinoy Manika kabilang na ang looks nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, 2017 Miss Earth Karen Ibasco at iba pang mini doll version na personal na ginagawa ni Eric Benito at ng iba pa niyang kaibigan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Eric Benito (@pinoymanika)

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Eric Benito (@pinoymanika)

 

Katatapos lang ng Miss Universe Colombia pageant kung saan naimbita si Catriona Gray na maging isang hurado dito

READ: Miss Universe Colombia Organization apologizes to Catriona Gray

Ngunit tila nagkaroon ng kaunting isyu nang ipakilala ng host si Catriona bilang isang Australian na lumipat lamang sa Pilipinas. Dagdag pa dito ang maling pagbaybay ng kanyang apelyido.