• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinundo ng mag-asawang sina LJ Moreno at Jimmy Alapag ang malapit nilang kaibigan na si Rufa Mae Quinto upang makipag-bonding sa bahay nila sa Los Angeles.

PANOORIN: Rufa Mae Quinto at LJ Moreno, nag-bonding sa US

Sinundo ng mag-asawang sina LJ Moreno at Jimmy Alapag ang malapit nilang kaibigan na si Rufa Mae Quinto upang makipag-bonding sa bahay nila sa Los Angeles.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/20/2020 12:17 PM
PANOORIN: Rufa Mae Quinto at LJ Moreno, nag-bonding sa US
Screenshot from Alapag Family Fun YouTube Channel

Muling nagkita ang magkaibigan na sina Rufa Mae Quinto at LJ Moreno sa US kung saan sila nakabase na ngayon. 

 

 

Sinundo nina Jimmy Alapag at LJ Moreno ang malapit nitong kaibigan na si Rufa Mae kasama ang anak nito na si Athena sa bahay nito sa San Francisco upang mag-stay sa kanilang bahay sa Los Angeles. 

Sa nasabing vlog ni LJ, ipinasilip nila ang ilan sa mga bonding moments nila ni Rufa Mae kabilang na ang pagluluto ng adobo at paglilinis ng bahay.

READ:  LJ Moreno at Jimmy Alapag, naging emosyonal sa pag-alis sa Pilipinas

“This weekend, my good friend P-chi (a.k.a. Rufa Mae Quinto) and her beautiful daughter Athena visited our house in LA! I’m so happy that I was able to catch up with one of my best friends whom I haven’t seen for a long time. P-chi felt so at home, she even did some of my household chores,” ani Ruffa. 

Sa nasabing vlog, makikita din ang ilan sa bonding moments ng kani-kaniyang mga anak na sina Keona at Athena.

“Keona is equally happy to be reunited with Athena, and she even vlogged their play time,” saad ni Ruffa. 

Panoorin ang vlog ni LJ sa ibaba: 

Nagtungo sina LJ at Jimmy papuntang Los Angeles noong Setyembre kung saan sila pansamantalang naninirahan. 

Ani LJ, hindi naging madali ang desisyon na ginawa nila ni Jimmy. “At first, when he asked me what I thought about the idea when the pandemic started, I was thinking like ‘Ano ka ba. Baka bored ka lang kung anu-ano iniisip mo. I was so against it. But then, I’ve been praying to God like when I do my quiet time. Okay God, just change my heart. Kayo na ang bahala,” kuwento ni LJ. 

Gayunpaman, hindi umano nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na bumalik sila ng Pilipinas. 

Just to make it clear, we’re not closing our doors. It’s just right now because of the current situation. This is the best thing to do for us. And we did really pray about it,” sambit ni LJ. 

READ: Rufa Mae Quinto and family to stay in US amid COVID-19 pandemic

Samantala, kasama naman ni Rufa Mae na naninirahan sa Estados Unidos ang asawa nitong si Trevor Magallanes.  LJ Moreno at Jimmy Alapag, naging emosyonal sa pag-alis sa Pilipinas