• Home
  • Fresh Scoops
  • Inilabas ni Dra. Vicki Belo ang isang vlog tungkol sa mga naging kaganapan sa bakasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Amanpulo.

PANOORIN: Mga naging kaganapan sa ‘delayed honeymoon’ nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

Inilabas ni Dra. Vicki Belo ang isang vlog tungkol sa mga naging kaganapan sa bakasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa Amanpulo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/20/2020 02:07 PM
PANOORIN: Mga naging kaganapan sa ‘delayed honeymoon’ nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo
Screenshot from Dr. Vicki Belo YouTube Channel

Naging usap-usapan Hulyo nitong taon ang naging biyahe papuntang Amanpulo ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)


 

At ngayon, nabigyan ng pagkakataon ang mga tagahanga ng mag-asawa na mabigyan ng pasilip sa mga naging kaganapan sa nasabing biyahe na tinagurian ng marami na “delayed honeymoon” na mag-asawa. 

Ani Vicki, ibinahagi niya ito dahil sa special request ng maraming fans. 

“Since you’ve been requesting for more photos and videos about my family's Amanpulo adventure with @justsarahgph and @matteog, we collated them all in this special vlog,” saad ni Vicki. 

 

 

Maliban sa kainan, sumabak din ang mag-asawa sa iba’t-ibang activities sa isla ng Amanpulo gaya ng scuba diving. 

“Ang bait naman ng asawa, maalaga,” pabirong tukso ni Dra. Vicki Belo kay Matteo habang inaalalayan si Sarah sa isang yate. 

READ: Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo share a kiss on Sarah’s birthday

Nagtanim din ang mag-asawa ng niyog bilang bahagi ng isang tree planting session na nilakuhan nila sa kanilang tour. 

“Only one tree for me and Sarah because it’s forever,” sambit ni Matteo na ipinaliwanag kung bakit isa lang ang halaman na itinanim nila. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Ikinasal sina Matteo at Sarah Pebrero noong Pebrero sa isang Christian wedding ceremony sa Victory Church sa Taguig. 

Naging laman ng usap-usapan ang kanilang kasalan dahil sa naganap umanong suntukan sa pagitan ni Matteo at ng bodyguard ng Popstar Royalty at pagsugod umano ng ina ni Sarah na si Divine.