• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Miss Everything kamakailan ang video kung saan makikitang sumasayaw siya kasama ang isang lalaki.

Miss Everything, may dyowa na?

Ibinahagi ni Miss Everything kamakailan ang video kung saan makikitang sumasayaw siya kasama ang isang lalaki.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/20/2020 04:07 PM
Miss Everything, may dyowa na?
Photo credit: Ericka Maribojoc Camata Facebook

Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita na may kasamang lalaki ang sikat na online sensation na si Ericka Camata o mas kilala bilang Miss Everything. 

Bagama’t hindi sinabi ni Miss Everything ang namamagitan sa kanila ng nasabing lalaki, kitang-kita naman ang sweetness nilang dalawa. 

WATCH: Miss Everything gives a tour of her newly rebuilt house


Sa nasabing video na may haba na 21 na segundo, makikita na sumasayaw si Miss Everything kasama ang lalaki na niyakap pa siya sa dulo.

“PM is the key to success. #Naol,” saad ni Miss Everything sa caption. 

Panoorin ang video ni Miss Everything sa ibaba: 

Hindi man tinukoy ni Miss Everything ang pagkakakilanlan ng kasama niya sa video, naniniwala ang marami na mayroon silang relasyon ng nasabing lalaki. 

Sa kasalukuyan, mayroong higit 94,000 reactions, 25,000 comments at 64,000 shares ang nasabing video. 

Bahay ni ‘Miss Everything’ winasak ng bagyong ‘Ambo’

Isa ang bahay ni Miss Everything sa nasalanta ng bagyong Ambo nang manalasa ito noong Mayo nitong taon. 

Noong Hunyo, masayang ibinahagi ni Miss Everything na naipagawa niya na ang kanyang bahay. 

“Last past ago or later ago or yes a while ago, my house is ruining by storm like bagyong Ambo. So I will be saying to the people that my very wonderful house is now wonderful remade. So now my house is updated,” aniya.

Tubong Calbayog, Samar, nakilala si Miss Everything dahil sa mga nakakatawa nitong videos sa TikTok. 

Mayroong higit 800,000 subscribers si Miss Everything sa YouTube.