• Home
  • Fresh Scoops
  • Humingi ng paumanhin ang Miss Universe Colombia Organization kay Catriona Gray matapos nitong ipakilala ang 2018 Miss Universe.

Miss Universe Colombia Organization apologizes to Catriona Gray

Humingi ng paumanhin ang Miss Universe Colombia Organization kay Catriona Gray matapos nitong ipakilala ang 2018 Miss Universe.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/19/2020 11:24 AM
Miss Universe Colombia Organization apologizes to Catriona Gray
Photo Credit: @jaysonsarmiento Instagram

Usap usapan ang pagiging isa sa mga hurado ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa katatapos lang na 2020 Miss Universe Colombia. 

Pagdating pa lang ni Catriona sa airport ng Colombia, ramdam agad ang malaking interes sa Pinay Miss Universe dahil sa media at pageant fans na present sa kanyang arrival.

Gaya ng inaasahan, career ang glam team ni Cat sa kanyang OOTD, na lahat ay may kahulugan at pagsaludo sa iba't ibang aspeto ng Colombia at ng Pilipinas.


 

 

Nagkaroon pa ng pagkakataon si Catriona sa isang charity day kung saan binisita ang mga kabataan sa ilalim ng pangangalaga ng Smile Train na suportado ng Miss Universe Organization.

Sa mismong coronation show, marami ang nakapansin na sa pagpapakilala kay Catriona ay mali ang spelling ng kanyang pangalan na lumabas sa screen, pati na rin ang introduction sa kanya na 'Australian by birth and represented the Philppines,' na agad binigyang reaksyon at kulay ng netizens.

READ: This is what Catriona Gray posted after Miss Universe Colombia pageant called her ‘Australian by birth but represented PH’

Dahil dito naglabas kaagad ang president at national director ng Miss Universe Colombia Organization na si Natalie Ackerman ng official statement at nag-apologize sa kamalian na nangyari sa pageant. 

 

 

"We also would like to express our apologies for the mistake of her last name due to some language barrier and the announcement that she was born in Australia - the translated language that was sent for introduction is ‘Born in Australia, from the Philippines who is Miss Universe 2018’ it is honestly part of the cultural differences as here in Colombia, we regard the value of unity and cross-cultural importance. 

"We assure that there is no malice intended as we invited Catriona Gray in the first place because we believe in Filipinos and having a personal Dubai-based friend, who is like a brother to me, I have always admired the Filipino culture and the kindness of the people from the Philippines. 

"I hope that Catriona Gray will not take this matter against us and can forgive us and our management."  

Basahin ang kabubuan ng statement sa ibaba: 

Photo credit to @missuniversecolombiaorg Instagram

Sa kanyang Instagram naman, malugod na nagpasalamat si Catriona sa mga taga-Colombia. 

"My trip to Colombia summed up in one picture. Colombia, thank you for sharing your warmth and heart with me on this trip! I felt embraced with open arms and I can't wait to be back. Muchas gracias!"  

Sa pageant history, ilang beses ng nagkabanggaan ang Colombia at Pilipinas para masungkit ang iba't ibang international pageant crowns. 

 

 

Ang pinaka markado ang 2015 Miss Universe crown na nakuha ni Pia Wurtzbach matapos magkamali ng TV host na si Steve Harvey sa nauna niyang announcement na si Adriana Gutierrez ng Colombia ang nanalo.