• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang paghihiwalay ng landas nina Maris Racal at Iñigo Pascual bilang magka-love team, hindi pa din umano nawawala ang connection nila sa isa’t isa bilang magkaibigan.

Maris Racal at Iñigo Pascual, inilarawan ang level ng kanilang pagkakaibigan

Matapos ang paghihiwalay ng landas nina Maris Racal at Iñigo Pascual bilang magka-love team, hindi pa din umano nawawala ang connection nila sa isa’t isa bilang magkaibigan.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/19/2020 03:18 PM
Maris Racal at Iñigo Pascual, inilarawan ang level ng kanilang pagkakaibigan

Together again sa bagong proyekto ang dating magka-love team na sina Iñigo Pascual at Maris Racal para sa Star Cinema online series na “Boyette, Not A Girl Yet.” Ang palabas ay pinagbibidahan ng dating child actor na si Zaijan Jaranilla.

Dahil ngayon lang muli magkakasama sa isang proyekto after ng pagkahinto ng kanilang love team, hindi naiwasan na tanungin ang status ng working relationship nilang dalawa.

WATCH: Inigo shares why he and Maris did not end up together | TWBA


“Para sa akin, since nanggaling kami sa love team, andon ‘yung maturity namin,”bungad ni Iñigo sa naganap na media launch ng upcoming Star Cinema project.

Ayon kay Iñigo, labis nilang naiintindihan ni Maris ang isa’t isa kaya hindi na naging mahirap sa tuwing kailangan nilang magsama muli sa isang proyekto.

“Siguro intinding intindi namin ang isa’t isa lalo na actually yung rooms namin ni Maris (on set) magkalapit. So, every time I get the chance to hi with her, nangangamusta lang. Andon ‘yung mature na kami. Hindi kami nagkakailangan kasi, hindi naman kailangan. Parang kami, were here to be professional and were here to work with one another,” sambit pa ng aktor.

Patuloy pa ni Iñigo: “Ayos naman ‘yung friendship namin ni Maris, wala naman kaming hinanakit sa isa’t isa. So para sa akin, basta enjoy lang. Wala naman naging problema.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Paliwanag naman ni Maris, sa kabila ng kinahinatnan ng kanilang tandem, mas nangibabaw pa rin ang pinagsamahan nila ni Iñigo bilang magkaibigan.

“Nakatulong lang rin talaga even before the love team itself, naging friends kayo. Ang bilis lang naman balikan ng gaya ng dati (friends). ‘Yung relationship niyo dati noong wala pang love team. Mabilis naman. Siguro nakakatulong ‘pag naka moved on ka and everything, makakatulong siya and sobrang sarap lang na ang gaan na namin magka-trabaho,” ani Maris.

Dito, ipinaliwanag rin ng former tandem kung paano nila ilalarawan ang level ng kanilang friendship ngayon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

“Since Maris mentioned, we both have different paths. And para sa akin, we don’t talk as much as we used to,” sabi ni Iñigo.

Hindi man madalas nag-uusap, hindi rin naman umano naputol ang connection ng former love team sa isa’t isa.

“Pero ‘yung kapag nagkikita kami sa personal, wala ‘yung hindi kami nagkakamustahan, automatic sa amin ‘yung kamusta kana, kamusta ang ginagawa mo, kamusta ang songs mo, at nakakatuwa kasi, katulad ng music ni Maris, nag si-share siya sakin na ‘Ito pala ang bago kong kanta’ ipaparinig muna niya sakin, bago ilabas sa public. So ganun pa rin naman, ‘yun nga lang we don’t get to hang out or talk as much before,” paliwanag ng aktor.

RELATED ARTICLE: Maris Racal, handa na nga makipag-date muli?

Sumegundo naman Maris sa pahayag ni Iñigo: “Tama po ‘yung sinabi ni Iñigo, in person pag magka work, doon lang kami nag-uusap pero pag wala nang work, hindi na masyado nag ti-text, like wala na at all.”

September of 2019 nang huling nagsama sa isang proyekto si Maris at Iñigo sa pelikulang “I'm Ellenya L.”