• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakaapekto umano sa relasyon ni Michelle Madrigal at ng kanyang asawa na si Troy Woolfolk ang bagahe na dala-dala niya sa kanilang pagsasama.

‘I wasn’t able to fully heal myself’: Michelle Madrigal, ibinahagi ang pinagdadaanang self-healing journey

Nakaapekto umano sa relasyon ni Michelle Madrigal at ng kanyang asawa na si Troy Woolfolk ang bagahe na dala-dala niya sa kanilang pagsasama.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/19/2020 09:01 AM
‘I wasn’t able to fully heal myself’: Michelle Madrigal, ibinahagi ang pinagdadaanang self-healing journey
Photo Credit: @mitch_madrigal Instagram

Sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-32 na kaarawan, ikinuwento ni Michelle Madrigal ang kanyang "self-healing journey" sa nakalipas na taon. 

Pagbabahagi ni Michelle, hindi na bago sa kanya ang maging sentimental lalo na tuwing ipinagdiriwang niya ng kanyang kaarawan. 

 


 

"Palagi namang 'pag birthday ko sobrang sentimental ako. Like if I remember correctly last year umiyak din ako sa vlog ko. But this year, I had to reflect. normally reflect on how my year has been for the last 31 years. And now this is my 32nd year. This is Chapter 32 of my life," ani Michelle.

READ: Did you know? Michelle Madrigal met her husband on Tinder

Ngunit ayon kay Michelle, dumaan siya sa isang self-healing journey kung saan unti-unti niyang naaabot ang layuning nais niyang makamit para sa kanyang sarili. 

"And I'm just very excited because my life is slowly unfolding and every single day I'm slowly becoming the one that I've always wanted. There are a lot of things na dati akala ko hindi ko kaya gawin and now I can actually do it and a lot of fears and now I'm in this self-healing journey," saad ni Michelle. 

Bagama't "perfect" ang tingin ng maraming tao sa pagsasama nila ng kanyang asawa na si Troy, sinabi ni Michelle na kabaliktaran ito sa totoong estado ng kanilang relasyon. 

Pagsasalaysay ni Michelle, nakaapekto ang bagaheng dala-dala niya sa pagsasama nila ng kanyang asawa lalo pa't pilit niyang itinataboy niya ang kanyang nararamdaman noon. 

 

 

"I've always had that facade na I'm so strong, I can do it. And by me pushing those feelings away, I did not know na magba-backfire siya dito sa life ko now. And I've had all these baggage and I think you know, nadala ko siya sa relationship ko now.”

Pagpapatuloy pa niya: "Because like what I mentioned, I've always been that person who says that I'm strong, I'm good, I'm fine without me knowing na maaapektuhan pala ako especially after giving birth ... I wasn't able to fully heal myself."

Sa kabila nang kaliwa't-kanang komento tungkol sa kanilang relasyon ni Troy na tinatawag ng marami na "goals," sinabi ni Michelle na hindi umano palaging "rainbows at butterflies" ang relasyon na mayroon sila. Sa katunayan, madalas umano silang mag-away ng kanyang asawa. 

"I just wanted to share with you guys 'cause you may think na our relationship is perfect because of what you see on Instagram or social media. But honestly, it's not always the case. Madalas lang talaga kami mag-away," saad ni Michelle. 

READ: Michelle Madrigal, husband open up about going through marriage counseling

Dagdag ni Michelle, hindi umano lahat ng nakikita sa social media ay totoo.

"I just want to remind you na hindi lahat ng nakikita niyo is always real. Siyempre hindi naman lahat 'yun iha-highlight ng mga tao. And it's not just us. I'm sure there are a lot of celebrities and influencers and everyone else that you follow that they don't pretty much share what's actually happening in their lives," saad niya. 

Ani Michelle, kasalukuyan pa siya nasa self-healing journey niya ngayon. "Nandoon ako sa journey ngayon na self-healing. But at the same time, nagsa-suffer ang marriage ko because of that."

 

 

Payo ni Michelle sa mga gustong magpakasal, huwag itong magmadali. 

"And I just want to remind you guys that not all marriage is perfect. And if you're someone na nagmamadali ka to just get married, take things slow and really make sure that you actually spend time with that person for a long period of time bago kayo ikasal 'cause it's very important to have that foundation," saad niya.

Panoorin ang vlog ni Michelle sa ibaba: 

Nakabase sa Estados Unidos si Michelle kasama ang kanyang asawa na si Troy Woolfolk at anak na si Anika.