• Home
  • Fresh Scoops
  • May nakakatuwang sagot naman ang anak ni Lucy Torres na si Juliana sa tanong nito sa kanya.

Lucy Torres, minsan nang tinanong ang anak na si Juliana kung nalulungkot ito sa pagiging only child

May nakakatuwang sagot naman ang anak ni Lucy Torres na si Juliana sa tanong nito sa kanya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/18/2020 04:13 PM
Lucy Torres, minsan nang tinanong ang anak na si Juliana kung nalulungkot ito sa pagiging only child
Photo Credit: @lucytgomez Instagram

Binalikan ng  congresswoman at dating showbiz personality na si Lucy Torres-Gomez ang mga alaala niya kasama ang anak na si Juliana noong ito ay bata pa. 

Sa panayam ni Lucy sa online show ng TV at movie writer na si G3 San Diego, ibinahagi ng mambabatas mula sa ikaapat na distrito ng Leyte kung bakit hinahayaan nila ni Goma na gawin ng kanilang anak ang mga gusto nito sa buhay lalo na pagdating sa buhay pag-ibig. 

 


 

Ani Lucy, hindi kailangang kontrolahin ang mga normal na bagay sa mga nagdadalaga lalo pa't maaari itong maging dahilan ng pagrerebelde. 

"'Pag pinigilan mo nang sobra, mag-rerebelde ang bata. What's there to control so much ba? You're only young once. And it's normal to have friends. It's normal to have suitors. So why put malice in things that are a normal part of growing up," saad ni Lucy.

Dagdag pa ni Lucy, hindi niya pinipigilan ang anak niya sa pagkakaroon ng mga crush. Sa katunayan, suportado niya pa ito. 

"You know, parang there was no defining moment na parang ah she likes boys na. Kasi parang we were always free to say 'ay ang cute niya'. Parang I was so supportive. When she was into One Direction, buong room niya puno ng sign ng [One Direction]," ani Lucy.  

READ: Richard Gomez on daughter Juliana dating: ‘Hindi mo naman pwede pigilan’

Malaki umano ang tiwala nina Richard at Lucy sa kanilang bente anyos na anak lalo pa't nakasama nila ito sa iisang silid-tulugan hanggang umabot ito ng disi-siyete anyos. 

"We shared room until she was 17. Kasi parang he regrets buying her her own bed. When he bought her her own bed, she moved to her own room and we lost her," ani Lucy.  

 

 

Pagpapatuloy pa niya: "For the longest time, she was squatting in our room and she had a corner and she put everything she liked. The whole wall will be filled with pictures of mga One Direction na members." 

Inamin naman ni Lucy na hindi niya lubos akalain kung gaano kabilis ang takbo ng panhon gayong kasing-laki lamang umano ng lalagyan ng sapatos ang kanyang dalaga noong una niya itong mahawakan. 

"I know. I remember bringing her pa in a yellow na blanket. And then parang she was only the size of a shoebox. Para lang siyang pusa. Ang liit liit. And then I would breastfeed her every day. I breast fed her purely for about six months and then nag-mix feeding na ako," ani Lucy. 

Binalikan naman ng kongresista ang panahon kung saan tinanong niya ang kanyang unica hija kung nalulungkot ito sa pagiging only child. 

"And then it was just three of us, our little family of three. But I asked her nga 'Juliana are you ever lonely?' kasi nga she's our only child. And then I remember one time she called me into her room and then he brought me to her banyo and said: 'Mama, look I'm an only child but there are 11 toothbrushes in my room'," sambit ni Lucy. 

WATCH: Richard Gomez and Lucy Torres renew wedding vows

Dagdag pa niya: "'Cause all her friends sleepover and then they leave their toothbrushes with their names na. So yeah, her friends are like extended family na. We treat them like our own children, too," ani Lucy.

Panoorin ang buong panayam ni Lucy kay G3 sa ibaba: 

Kasalukuyang naninirahan sina Lucy, Richard at Juliana Sa Ormoc.