• Home
  • Fresh Scoops
  • Ilang linggo na lang ay sasalubungin na ni Andi Eigenmann ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Andi Eigenmann, itunuturing na 'silver lining' ang pagdating ng pangatlong anak

Ilang linggo na lang ay sasalubungin na ni Andi Eigenmann ang bagong miyembro ng kanilang pamilya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/18/2020 05:34 PM
Andi Eigenmann, itunuturing na 'silver lining' ang pagdating ng pangatlong anak
Photo credit: @andieigengirl IG

Ngayong higit isang buwan na lang ay sasalubungin ni Andi Eigenmann ang bagong miyembro ng kanilang pamilya, hindi mapigilang ibahagi ng aktres na ikumpara ang kanyang pagdadalang-tao noon sa anak na si Lilo at ng sanggol na nasa loob ngayon ng kanyang sinapupunan. 

 

 

Ani Andi, halos linggo-linggo noon kung magbahagi siya ng mga litrato ng noo'y lumalaki niyang tiyan. 

Dagdag pa niya, ang mga mensahe na natatanggap niya mula sa kanyang mga tagahanga ang pinaghuhugutan niya ng lakas noong mga panahon iyon. 

 

 

"Looking back on all my pregnancy photos with Lilo reminds me of how different of a time that was. Makes it seem like the summer of 2019 was so long ago. I remember being so excited to take a new photo of my growing belly every week, sharing updates on here and happily reading your comments and stories that reassure me that I am not alone," saad ni Andi. 

‘We’ve been really down’: Why Andi Eigenmann, kids in low spirits​

Ayon kay Andi, nagdesisyon siyang magbahagi ng litrato ng kanyang anak upang maging palatandaan kung kanino sila humugot ng lakas sa kalagitnaan ng kinakaharap na pandemya. 

"This time around, already 30 weeks into this pregnancy, just taking bump pics before it's too late. Feels odd, but I’d really like to look back on this time with our youngest to come, to show that s/he was our main source of hope and strength that allowed us to find the silver lining no matter how dark these times have been," ani Andi. 

READ: Andi Eigenmann shows baby bump on 23rd week of pregnancy

Tingnan ang larawan sa ibaba: 

 

 

Ang inaabangang pangatlong supling ni Andi ang kanyang pangalawang anak sa partner nitong si Philmar Alipayo. 

Ang panganay naman nitong si Ellie ay anak niya sa TV host na si Jake Ejercito. 

Kasalukuyang nasa Maynila sina Andi at ang kanyang mga anak habang nasa Siargao naman si Philmar. 

‘I made the right decision’: Andi Eigenmann, masaya na marami ang natutuwa sa kanyang pagiging ‘authentic’

Lumipad mula Siargao patungong Maynila si Andi pagkatapos ng ilang buwang lockdown at nagdesisyong pansamantala munang manatili sa Maynila para sa kaligtasan umano ng kanyang pamilya.