• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang kurot sa puso at kaantig-antig na kuwento ang handog ng ‘MMK’ sa two-part special episode ngayong Sabado.

Kuwento ng COVID-19 Hero Doctor, bibigyang buhay ni Arjo Atayde sa pagbabalik ng ‘Maalaala Mo Kaya’

Isang kurot sa puso at kaantig-antig na kuwento ang handog ng ‘MMK’ sa two-part special episode ngayong Sabado.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/17/2020 09:13 AM
Kuwento ng COVID-19 Hero Doctor, bibigyang buhay ni Arjo Atayde sa pagbabalik ng ‘Maalaala Mo Kaya’
Photo Credit: @mmkofficial Instagram

Sa kabila ng sunod-sunod na unos na pinagdaanan ng ABS-CBN, hindi pa din matitinag sa paghahadog ng inspirasyon at madamdaming mga kuwento ang longest drama anthology ng Kapamilya network: ang Maalaala Mo Kaya.

Simula ngayong darating na Sabado, Nobyembre 21, handog ng Maalaala Mo Kaya ang two part special episode sa buhay ng Bayaning Frontliner na si Doctor Israel Bactol.

Si Dr. Bactol ang isa sa mga medical frontliners na nagkasakit at nag buwis ng sariling buhay para gamutin ang mga pasyente ng COVID-19.


RELATED NEWS: 'Hero doctor': Young cardiologist loses fight vs COVID-19

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial)

 

Sa panulat nina Arah Jell Badayos at Mary Rose Colindres at sa ilalim ng Direksyon ni Dado C. Lumibao, bibigyang buhay ni Arjo Atayde ang “Hero Doctor” na si Israel Bactol.

Makakasama rin sina Sylvia Sanchez at Jane De Leon sa pinakabagong episode na ito ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z Channel 11.