• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanawagan si Rabiya Mateo ng konkretong solusyon para sa mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.

‘Hindi natin mapapabuti ‘yung community natin if puro resiliency na lang’: Rabiya Mateo, nanawagan ng solusyon para sa kababayan

Nanawagan si Rabiya Mateo ng konkretong solusyon para sa mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/17/2020 08:39 AM
‘Hindi natin mapapabuti ‘yung community natin if puro resiliency na lang’: Rabiya Mateo, nanawagan ng solusyon para sa kababayan
Photo Credit: @rabiyamateo Instagram

Kasunod ng unos na pinagdaanan ng mga kababayang Pilipino sa paghagupit ng bagyong Rolly at Ulysses nitong nagdaang linggo, tila wala ng hihigit pa para kay 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang pagkakaroon ng plano para sa mga kababayang nangangailangan ngayon ng tulong.

Sa panayam ni Jessica Soho sa reigning Miss Universe Philippines, kulang ang salitang “resilient” para sa mga kababayang nilugmok ng pagsubok mula sa COVID-19 hanggang sa kalamidad na pinagdaraanan ngayon.

“'Yung resiliency, parang overused siya to the point na sometimes we don't look at the problems to find the solution,” sabi pa ni Rabiya sa panayam.


Aniya, sa kabila ng lakas ng loob ng mga kababayang Pilipino, kailangan ng konkretong plano para sa mga nasalanta at dumaadaan ngayon sa pagsubok.

“And we just tell other people na all we need to do is have a positive mindset and we're going to overcome this. But where are the tangible programs to help the people being affected by such situation?”sambit pa niya.

Patuloy pa niya: “So yes, iba 'pag may positive outlook, but again, kailangan nating magkaroon ng tangible and visible solution. Hindi tayo magle-learn. Hindi natin mapapabuti 'yung community natin if puro resiliency na lang.”

Bilang isang simpleng mamayan, ramdam rin ni Rabiya ang pinagdaraanan ngayon ng mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Taong 2013 nang nasalanta ng bagyong Yolanda ang kanilang tahanan sa Iloilo na isa sa naging dahilan ng kaniyang pagsusumikap ngayon.

“Nag kami sa may kalsada na 'We need help. We need food.' Kaya sabi ko ngayon na may bagyong Rolly t'saka Ulysses, ramdam na ramdam ko po talaga 'yung paghihirap ng mga kababayan natin,” pahayag pa niya.

Sa tulong ng mga privadong grupo, naka likom na ng P200,000 si Rabiya na kanilang gagamitin para tugunan ang pangangailangan ng mga kababayang nasalanta ng bagyo.