• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagtulong-tulong sina Daniel Padilla at ng kanyang mga kapatid sa pag-iimpake ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.

Daniel Padilla, namahagi ng relief packs sa mga nasalanta ng bagyo

Nagtulong-tulong sina Daniel Padilla at ng kanyang mga kapatid sa pag-iimpake ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/17/2020 10:46 AM
Daniel Padilla, namahagi ng relief packs sa mga nasalanta ng bagyo
Photo Credit: @supremo_dp Instagram and @jochendria Twitter

Namahagi ng relief packs si Daniel Padilla sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses na kamakailan lang ay nanalasa sa iba’t-ibang sulok ng bansa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by DP (@supremo_dp)


 

Marami naman ang humanga kay Daniel na muling pinatunayan ang kanyang pagkaroon ng mabuting kalooban sa gitna ng kinakaharap na pagsubok ng kanyang mga kababayan na nasalanta ng bagyo.

 

 

 

Sa mga litratong kumakalat sa social media, makikitang personal na tumulong si Daniel sa pag-impake ng mga relief packs at maging ang mga kapatid nito at iba pang kamag-anak ay tumulong din upang mas mapabilis ang gawain.

Proud naman ang ina ni Daniel na si Karla Estrada dahil sa ipinaabot na tulong ng kanyang anak para sa mga nasalanta ng bagyo.

Pinasalamatan din ni Karla hindi lang ang kanyang pamilya kundi maging ang mga tagahanga ng actor na nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang nasabing relief drive.   

Ani Karla: “First batch is off to our kapamilya na sabik na kaming marating! Salamat sa buong pamilya ko na naki impake at sa mga tagahanga na pamilya narin namin! Solid to! LETS GOO!!! Tulong tulong para sa pagsulong!”

 

 

Nobyembre 14 nang magsimulang mangalap ng donasyon ang mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa mga nasalanta ng bagyo.

 

 

Noon pa man ay aktibo na si Daniel sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Matatandaang pinangunahan ni Daniel ang isang relief operations nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Tacloban noong taong 2013. Lumaki si Daniel sa Tacloban kung saan tubo ang kanyang ina.