• Home
  • Fresh Scoops
  • Personal na nag-abot ng tulong sina KC Concecpcion at Ruffa Gutierrez sa mga nasalanta ng bagyo.

KC Concepcion at Ruffa Gutierrez, lumipad papuntang Cagayan at Isabela upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo

Personal na nag-abot ng tulong sina KC Concecpcion at Ruffa Gutierrez sa mga nasalanta ng bagyo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/16/2020 05:40 PM
KC Concepcion at Ruffa Gutierrez, lumipad papuntang Cagayan at Isabela upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo
Screenshot from: @itskcconcepcion, @iloveruffag IG Stories

Lumipad papuntang Cagayan Province ang mga aktres at TV hosts na sina Concepcion at Ruffa Gutierrez upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“We’re off to Cagayan for some relief efforts. We wanna thank you in advance for your purchases of Avec Moi pieces that are gonna go straight to relief efforts in Cagayan,” ani KC sa isa sa mga videos na ibinahagi niya sa Instagram.

 


 

Ilan sa mga binisitang lugar nina KC at Ruffa ang Brgy. Linao sa Tuguegarao kung saan namahagi sila ng mga pagkain, tubig, at kumot sa mga residente doon.

“There is always a need for constant replenishments of relief goods at these times,” saad ni KC.

Kamakailan ay inanunsyo ni KC na ibibigay niya sa mga nasalanta ng bagyo ang malilikom niyang pera mula sa kanyang mga ibenebentang alahas.

“I’m selling ready-made, handcrafted @avecmoijewelry pieces (it usually takes 4 weeks made-to-order), designed by yours truly, for the IMMEDIATE RESCUE & RELIEF efforts in Cagayan, Northern Philippines. They will be available to serious buyers on Tuesday, November 17th,” ani KC.

 

 

Kasama din ni Ruffa Gutierrez ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice sa

“Today, we are leaving for Isabela, Cagayan, and Tuguegarao for relief operations to those who have been affected by Typhoon Ulysses and I’m here now with Lorin and Venice. We’re taking Governor Chavit’s plane,” ani Ruffa. Dagdag pa niya: “This project is spearheaded by Pinky Tobiano with of course the help of Gov. Chavit Singson.”

Ang Isabela at Cagayan Province ay ilan lamang sa mga lugar na nakaranas ng matinding hagupit ng bagyong Ulysses.