Ama ni Ice Seguerra, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang ama ng singer na si Ice Seguerra.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/15/2020 06:42 PM
Ama ni Ice Seguerra, pumanaw na
Photo Credit @iceseguerra on IG

Namayapa na ang ama ng singer na si Ice Seguerra.

Sa isang Instagram post, inanunsyo ni Ice ang pagpanaw ng kanyang ama tanghali nitong Linggo, Nobyembre 15.

Our family is saddened to announce the passing of our beloved, Decoroso ‘Dick’ Seguerra,” panimula ni Ice sa kanyang post.


Nagawa pang magbiro ni Ice na sinabing sasamahan na ng kanyang ama ang mga sikat na singer noong kapanahunan nito upang mag-videoke umano sa langit.

Umakyat na siya sa heaven bandang tanghali ngayong Nov. 15, 2020 para makipagvideoke kina Matt Monroe at Frank Sinatra,” sambit ni Ice.

Dagdag pa Ice, maraming tao ang napasaya ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

An awesome father, husband, brother, lolo, friend, leader; he has touched many lives by his kindness, gentle support and most of all, his sense of humor,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang detalye tungkol sa gaganaping burol ngunit sinabi ni Ice na maglalabas sila ng pahayag tungkol dito.

We will post details of his wake as soon as we have finalized the details,” sambit ni Ice.

Nagpasalamat naman si Ice sa lahat ng nag-alay ng dasal at nagpakita ng magandang kalooban para sa kanilang pamilya.

Thank you for all your prayers, good thoughts, and deeds that you've shown our family,” saad niya.

Read: Ice Seguerra opens up about his battle with depression

Bilang panghuling mensahe, sambit ni Ice: “Makakapahinga ka na, OG Pogi. No more pain. We love you always and forever, Daddy.”

Tingnan ang post ni Ice sa ibaba:

 

 

Read: Ice Seguerra happy to be spending time with cancer-stricken father

Marso nitong taon nang inilahad ni Ice na mayroong prostate cancer ang kanyang ama.