• Home
  • Fresh Scoops
  • Tulong para sa mga nasalanta ng magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses ang ipinaparating ng Thai Stars na sina Bright and Win.

Thai stars, Bright and Win magpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas

Tulong para sa mga nasalanta ng magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses ang ipinaparating ng Thai Stars na sina Bright and Win.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/14/2020 02:55 PM
Thai stars, Bright and Win magpapaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Pilipinas
Photo credit: @winmetawin and @bbrightvc Instagram

Kasunod nang pananalasa ng mga bagyong Rolly at Ulysses na nanalasa sa kabuhayan ng mga Pilipino, nagpahayag ng kanilang intensyon na pagtulong ang dalawa sa Thai actors na sina Bright Vachirawit at Win Metawin para sa kanilang mga Filipino fans.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Bright and Win sa kanilang online catch-up stream, inihayag ng Thai actors ang pangakong virtual gifts bilang tugon sa rehabilitation sa mga napinsala ng pagdaaan ng dalawang magkasunod na bagyo sa Pilipinas.

Sa tulong ng “Tulong Kabataan Network” na pinamumunuan ng Kabataan Partylist, didirecho ang tulong ng Thai actors para makatulong na makabangong muli ang mga apektadong Pilipino sa delubyong hatid ng magkasunod na bagyo sa bansa.


Isa sa mga magigung beneficiaries ng tulong ni Bright and Win ang Bicol Region na direktang tinamaan ng dalawang bagyo sa loob lang ng isang linggo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bright (@bbrightvc)

Sina Bright and Win ay nakilala sa kanilang popular BL series na “2gether” at “Still 2gether” na sabayang napapanood sa Pilipinas at sa Thailand. Mapaanood din ang dalawa sa upcoming Thai remake ng Korean drama na "Boys Over Flowers." 

Humaharap man sa sunod-sunod na krisis ang bansa, pagpapasaya rin ang hatid ni Bright and Win para sa kanilang Filipino fans para sa kanilang virtual fan meet.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bright (@bbrightvc)

Ang “BrightWin: Manila Live,” ay gaganapin sa December 5 na mapapanood sa KTX.ph for only P699 to P1,499.