• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa bagong awitin ni Maris Racal, sinasabi nitong manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok.

Maris Racal, nag-release ng bagong kantang ‘Kahit Na Anong Sablay’

Sa bagong awitin ni Maris Racal, sinasabi nitong manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/14/2020 12:22 PM
Maris Racal, nag-release ng bagong kantang ‘Kahit Na Anong Sablay’
Photo credit: @mariesteller Instagram

Nag-release ng bagong awitin ang singer-actress na si Maris Racal noong Huwebes, Nobyembre 12. 

Titled "Kahit Na Anong Sablay," isinulat ni Maris ang awiting naglalahad tungkol sa pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok. 

"For years I kept this song in my voice memos and in my red Moleskine. So glad to finally share this with everyone," sabi ni Maris sa kanyang Instagram post. 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Dagdag pa niya: "Sometimes the universe just has her own pace of turning the simplest things into treasures."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Noong Setyembre, nagrelease din ng bagong kanta si Maris sa kanyang kaarawan. Produced by Rico Blanco, ang awiting “Not For Me” ay alay ni Maris sa kanyang mga taga-subaybay. 

Finally! I have been dying to share this secret with you for months. Tonight at midnight, as I turn 23, celebrate with me by listening to my gift for you, a song that I have worked so hard on, ‘Not For Me’,” sabi ng singer-actress.  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Nagsimula ang music career ni Maris matapos niyang maging bahagi ng Big 4 sa edisyon ng Pinoy Big Brother noong 2014 at sumabak sa mundo ng showbiz. 

2015 nang ini-release ang kanyang debut single na "Tanong Mo Sa Bituin" sa ilalim ng Star Records.

2018 naman nang magkaroon si Maris ng full album na pinamagatang “Stellar.”

Ngayong taon, nakasama rin siya sa ABS-CBN TV series na pamilya ko at sa iWant mini-series na “Beauty Queens.”