• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina on suitor Dave Almarinez: ‘Malinis ang intensyon niya and he’s really very serious’

EXCLUSIVE: Ara Mina, handa na daw magpakasal

Ara Mina on suitor Dave Almarinez: ‘Malinis ang intensyon niya and he’s really very serious’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/14/2020 08:47 PM
EXCLUSIVE: Ara Mina, handa na daw magpakasal

Masayang inamin ng FPJ’s Ang Probinsyano star na si Ara Mina sa PUSH na handa na siyang magpakasal sa lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso. Pero bakit nga ba siya nag-decide to open her heart again? Nalulungkot na ba siya sa kanyang pag-iisa sa buhay ngayon?

Honestly, I’m not lonely at hindi rin ako nag-iisa kasi andyan si Mandy. Iba yung fulfillment na nabibigay nh anak,” deklara ng award-winning actress and successful entrepreneur. “Kailangan din maging masaya ka muna sa sarili mo before entering into a relationship. And I think It’s time na rin to open my heart again. Di na rin ako bumabata,” dagdag niya.

Very careful din daw siya sa pagpili ng lalaking mamahalin at makakasama sa buhay.


Ani Ara, “Yes, careful ako because may anak na ko. Ibig sabihin I need to choose carefully kung sino yung lalaking matatanggap ako at ang anak  ko at mamahalin kami pareho.

Ipinagpe-pray ko rin na sana yung guy na yon ay magiging responsible also to be a a second father for my child. Yes, ganun na yung thinking ko. Kasi, gusto ko na yung next relationship, eh, yung mapapangasawa ko na,” paliwanag niya.

Dito na nga pumasok ang pangalan ni Dave Almarinez na isang businessman. Si Dave ang presidente at CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC). Dati rin siyang Provincial Board Member ng  Laguna.

Ano ba ang mga ideal qualities na nagustuhan niya kay Dave?

Paglalarawan niya dito, “Si Dave, mabait, matulungin, masipag. Napakasimpleng tao niya at higit sa lahat super duper tiyaga niya. Hindi  siya nawala.

Nakita ko na malinis ang intensyon niya sa akin and you’ll know naman that he’s really very serious. Sa dami naman siguro ng pinagdaanan ko na rin sa buhay malalaman ko rin naman kung ano intensyon ng lalaki.”

Gaano na ba kalalim ang relasyon nila ngayon ni Dave?

Well,  nakilala na niya ang parents ko, mga kapatid ko at ilang mga kaibigan ko. Commitment na lang ang kulang siguro,” tugon ni Ara.

Hindi rin itinanggi ni  Ara na totoong madalas siyang makita sa lugar ni Dave sa San Pedro, Laguna kapag wala siyang taping ng Ang Probinsyano.

Paliwanag niya, “Kasi taga-Laguna siya, so minsan nai-invite niya ako don. Like nitong huli pagkalabas ko sa Batangas from Ang Probinsyano dumiretso ako sa Laguna bago ako umuwi ng Manila. Kasi may pinuntahan kami don.”

Nakilala na ba niya ang parents ng “future husband”?

Sad to say, ‘di ko na nakilala parents niya kasi wala na siyang parents and dalawa lang silang magkapatid,” medyo sad niyang pahayag. “Napakilala na niya ako sa sister niya, si Ate Geraldine na isang doctor at sa ibang bansa na nakatira with her family nung umuwi para magbakasyon dito last year. Pinakilala rin niya ako sa mga kamag-anak nya sa Laguna at mga pinsan niya.”

Two years na raw nanliligaw sa kanya si Dave at tanggap nito na meron siyang anak.

Hindi mo na rin mapapapansin na ganon na katagal kasi workaholic kami pareho kaya parang kelan lang. Naiintindihan niya ako. Yes, tanggap niya kasi may anak na rin siya sa past relationship niya at na-meet ko na rin. She’s so sweet,” huling pahayag ng aktres.