• Home
  • Fresh Scoops
  • Wala nang natirang gamit sa bahay ni Nadia Montenegro na binaha nang manalasa ang bagyong Ulysses.

PANOORIN: Nadia Montenegro, bumuhos ang luha dahil sa sinapit ng pamilya sa pananalasa ng bagyong Ulysses

Wala nang natirang gamit sa bahay ni Nadia Montenegro na binaha nang manalasa ang bagyong Ulysses.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/13/2020 05:07 PM
PANOORIN: Nadia Montenegro, bumuhos ang luha dahil sa sinapit ng pamilya sa pananalasa ng bagyong Ulysses
Photo credit: @officialnadiam Instagram

Hindi napigilan ng aktres na si Nadia Montenegro ang pagbuhos ng kanyang mga luha nang ibahagi kung paano tinangay ang lahat ng kaniyang mga gamit sa bahay nang manalasa ang bagyong Ulysses. 

Sa isang video sa Instagram, ikinuwento nito ni Nadia kung ano ang dahilan sa likod ng mabilis na pagpasok ng tubig baha sa bahay nila na matatagpuan sa loob ng Town and Country Executive Village sa Marcos Highway. 

Ani Nadia, hindi niya inaasahan na siya ngayon ay nasa isang posisyon kung saan siya ang tinutulungan gayong ang nakasanayan niya na siya ang tumutulong sa ibang tao. 

“Hi, guys! Good morning, it's the morning after. Watching the news. We’re all safe, me and the kids … although watak-watak kami. Wala lang akong makausap. I'm so used to being the one on the other side helping,” ani Nadia. 

READ: Nadia Montenegro shares update on John Regala: ‘His liver is stable, severe gout is one of his problems now’

Gayumpaman, malaki ang pasasalamat ni Nadia sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng tulong sa kanyang pamilya. 

“Kaya hopeless ako ngayon kasi hindi ako makatulong. Pero I'm so grateful to be on the other side with all the help that we are receiving … all the love that we are receiving from each and everyone of you," aniya. 

Kwento ni Nadia, sinusubukan nilang sagipin ang kanilang mga sasakyan nang biglang bumigay ang crek sa likod ng kanilang bahay na dahilan nang mabilis na pagpasok ng tubig. 

"Ang bilis-bilis po ng pangyayari kahapon. Bumigay po ang wall ng creek sa tabi ng bahay namin while we were trying to save the cars. Nalingat lang po kami the water from the back of the house doon po dumaan and then umabot na kaagad ng hita, tapos umabot kaagad ng bewang. In short, wala kaming na-save, wala kaming nakuha but those are material things. Pero gayon naiintindihan ko na kasi nangyari sa akin ito. 

"I pray for everyone who got affected by the typhoon. If there's one thing I want to share eh 'yun nga sabi ko sa post ko natangay man ni Ulysses lahat, nakuha man niya lahat pero grateful lang ako na lalong tumibay ang faith ko. I know God has a reason for all of these. I just thank him na malakas ako sa panalangin ko sa kanya,” aniya. 

“Wala kaming nakuha, wala kaming nadala. Pero okay lang ‘yan papalitan lahat ‘yan. Basta safe kaming lahat,” ani Nadia. 

Nag-alay naman ng panalangin si Nadia sa lahat ng mga taong naapektuhan ng bagyo at pinasalamatan lahat ng tumulong sa kanyang pamilya. 

Many lives are lost and I ask you to please continue to pray for them. Matibay ang Filipino pero mas matibay tayo kapag mayroon tayong Diyos sa buhay natin. And I know that this is just a test, a trial, a sad one. It's a dark time for me but my faith is just so much stronger and I feel so much loved from all the support,” saad ni Nadia. 

Pagpapatuloy pa niya: “Thank you. I'll be fine, we'll be okay. Ulysses didn't damage me, he affected my but he didn't damage me. Thank you to all of you. Alam niyo kung sinu-sino kayo. Maraming salamat.”

Samantala, nag-iwan naman ng mensahe ang mga artista gaya ni Denise Laurel at Ariella Arida para kay Nadia. 

“Tita stay safe! Keeping u in my prayers,” ani Denise Laurel. 

Sambit naman ni Ariella: “Tita ingat po kayo.”

Kabilang sa mga artista na nasalanta ng bagyo si Daniel Matsunaga. 

Ayon sa kasalukuyang tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nasa 39 na bangkay ang narekober sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas mula nang manalasa ang bagyong Ulysses.