• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasira ang bubong ng bahay ni Daniel Matsunaga dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses.

PANOORIN: Bahay ni Daniel Matsunaga, hindi pinalagpas ng hagupit ng bagyong Ulysses

Nasira ang bubong ng bahay ni Daniel Matsunaga dahil sa hagupit ng bagyong Ulysses.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/13/2020 05:15 PM
PANOORIN: Bahay ni Daniel Matsunaga, hindi pinalagpas ng hagupit ng bagyong Ulysses
Photo credit: @dandanmatsunaga IG

Gising buong magdamag si Daniel Matsunaga noong Huwebes, Nobyembre 12, dahil sa pagtuklap ng bubong ng bahay na tinitirhan nito.

Sa mga video na ibinahagi ni Daniel sa social media, makikitang pinasok na ng tubig ang bahay nila dahil sa nasirang glass cover ng kanyang bubong. 

Ayon kay Daniel, inabot na sila ng umaga sa pag-aayos dahil sa walang awat na pagbuhos ng malakas na ulan. 


 

 

“We had a really horrible night under the rain until 5AM trying to fix the ceiling ‘cause the wind of the typhoon destroyed my glass cover on the third floor and the rain and wind didn’t stop … lots of things flying ... trees were on the floor and lots of accidents,” ani Daniel. 

Hinikayat naman niya ang kanyang mga tagahanga na tumulong sa iba at sinabing: “Ingat po kayo lahat and let’s help others at this very moment. God bless po.” 

Ayon sa tala ng Armed Forces of the Philippines (AFP), umabot na sa 39 na bangkay ang narekober mula nang manalasa ang bagyong Ulysses sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. 

 

 

Naging bahagi ang half-Japanese half-Brazilian actor ng reality competition na Pinoy Big Brother: All In noong 2014. 

2015 naman nang maging bahagi ito ng seryeng Two Wives kung saan una niyang nakasama ang dati nitong kasintahan na si Erich Gonzales. 

Daniel Matsunaga on his previous relationship: ‘I’ve moved on already’​

Makalipas ang isang taon, nakipagtambal si Daniel kay Erich sa Be My Lady na nagsilbing kauna-unahang serye na pinagbidahan niya sa ABS-CBN. 

Huling napanood si Daniel sa Kapamilya network noong 2018 kung saan naging bahagi siya ng teleseryeng Halik.