• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasama ang pamilya ni Dessa sa mga naging apektado ng bagyong Ulysses.

Singer na si Dessa, humingi ng tulong para sa kaanak sa Marikina

Kasama ang pamilya ni Dessa sa mga naging apektado ng bagyong Ulysses.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/12/2020 02:12 PM
Singer na si Dessa, humingi ng tulong para sa kaanak sa Marikina
Photo Credit to Dessa Salazar Facebook

Todo pag-alalala ngayon ang powerhouse diva na si Dessa para sa kanyang mga kaanak na naninirahan sa mababang lugar ng Marikina City.

Sa Facebook post ng singer na kasalukuyan ngayong naka-base sa America, inihihingi ni Dessa ng tulong ang kanyang mga kaanak na pawang mga senior citizens na na stranded ngayon sa kanilang mga bahay na lubog sa baha.


“Rescuers ng Marikina, nakikiusap po ako sa inyo. Tulungan niyo po ang Uncle, Auntie at Nanay ko. Na trapped sila sa bahay at umakyat na ang tubig sa 2nd floor. Plssss Help!” sabi ni Dessa sa post.

Labis rin na ipinag-aalala ng singer ang hindi pag contact sa kanya ng kanyang mga kapatid at iba pang kaanak na siyang tumitingin sa kanilang mga magulang sa Marikina.

Sa ngayon, mayroon ng 25 shares sa Facebook ni Dessa at umaasang makontak na rin ng singer ang kanyang mga kaanak sa lalong madaling panahon.