• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nagdalawang isip si Jericho Rosales at Kim Jones na mag-abot ng tulong sa mga na stranded na kababayan sa Marikina.

Jericho Rosales at Kim Jones, to the rescue sa mga binahang residente sa Tumana, Marikina

Hindi nagdalawang isip si Jericho Rosales at Kim Jones na mag-abot ng tulong sa mga na stranded na kababayan sa Marikina.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/12/2020 02:01 PM
Jericho Rosales at Kim Jones, to the rescue sa mga binahang residente sa Tumana, Marikina
Photo credit to ABS-CBN News Facebook

Matinding pinasala at takot ngayon ang nararamdaman ng mga kababayan natin sa paghagupit ng Signal number 4 ng bagyong Ulysses sa Metro Manila.

Gabi ng Miyerkoles Nobyembre 11, nang nagsimulang hagupitin ng malakas na hangin ang Metro Manila sa pag landfall ng bagyo sa Quezon province na nagdala ng matinding buhos ng ulan.

Ang pag ulan na dala ng Ulysses ay naihalintulad sa ulan na dala ng bagyong Ondoy na sumira sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa mabababang parte ng Metro Manila partikular na sa Marikina City at karatig na bayan.


Sa kalagitnaan ng dilim at pagkawala ng supply ng kuryente trending ang hashtag #RescuePh kung saan idinaan ng mga kababayan nating stranded sa kanilang mga tahanan na lubog na sa baha ang paghingi ng tulong upang isalba ang kanilang buhay.

Sa pagputok ng araw nitong Huwebes, Nobyembre 12, mas naging malinaw ang naging pinsala ng bagyo sa Metro Manila kung saan iniwan nitong lubog sa baha ang mga kababayan natin sa Marikina at ilang bayan ng Rizal.

Kaya naman, hindi na nag-atubili pa ang aktor na si Jericho Rosales at misis nitong si Kim Jones na mag-paabot ng tulong upang mai-rescue ang mga kababayang na-stranded sa Tumana, Marikina.

“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard,” aniya sa panayam ng DZMM.

“Okay naman ['yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na 'yung agos and wala pang boats,” dagdag pa ng aktor.

Sa panayam ng DZMM, ibinahagi ng aktor ang sitwasyon ng nga kabababayan sa Tumana, Marikina na nailipat nila sa mas ligtas na lugar.

Tubong Marikenyo, ginawa rin ito ni Jericho noong 2009, sa kasagsagan ng bagyong Ondoy. 

As of 11 am, November 12, ibinababa na sa Signal number 2 ang storm signal sa Metro Manila.