• Home
  • Fresh Scoops
  • Inabutan ng Bagyong Ulysses si Vice Ganda habang siya’y nagbabakasyon.

Hagupit ng Bagyong Ulysses, nasaksihan ni Vice Ganda sa Balesin

Inabutan ng Bagyong Ulysses si Vice Ganda habang siya’y nagbabakasyon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/12/2020 05:43 PM
Hagupit ng Bagyong Ulysses, nasaksihan ni Vice Ganda sa Balesin
Photo Credit: @praybeytbenjamin Instagram

Inabutan ng bagyong Ulysses ang Kapamilya host na si Vice Ganda habang siya’y nagababakasyon sa Balesin.

Ang Balesin ay isa sa mga isla sa Polilio sa bayan ng Quezon kung saan direktang nag land fall ang bagyong Ulysses nitong ng Miyerkules ng hapon.

 


 

 

Makikita ang pagbayo ng malakas na hangin sa video ni Vice na kaniyang ini-upload sa kanyang Instagram story.

Screenshot from @praybeytbenjamin IG story

Kasama ni Vice ang ilang miyembro ng pamilya at ilang staff kabilang na ang kaniyang boyfriend na si Ion Perez.

Sa huling update sa Instagram fan page ni Vice na Team Vice Ph, makikita na ang pag aliwalas ng kalangitan at pagbabalik normal ng paligid na hudyat rin sa pagsulit ng kanilang maikling bakasyon.