• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Gardo Versoza na marami siyang naging girlfriend noon.

Gardo Versoza, ipinaliwanag kung bakit matagal bago siya nagpakasal

Aminado si Gardo Versoza na marami siyang naging girlfriend noon.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/10/2020 09:31 AM
Gardo Versoza, ipinaliwanag kung bakit matagal bago siya nagpakasal
Photo Credit: @gardo_versoza Instagram

Last year, May 26, 2019 lang ikinasal si Gardo Versoza sa longtime partner niyang si Ivy Vicencio. Nauna pa nga silang magkaroon ng anak bago magpakasal.

Sa virtual interbyu namin kay Gardo via Zoom ay ipinaliwanag ng aktor ang dahilan kung bakit nitong 2019 lang sila nagpakasal ng kanyang partner.

 


 

“Actually, bago po kasi nawala si mommy ko nasabi ko na po kay mommy ko na hindi na ako mag-aasawa. Kumbaga, si mommy na talaga yung huling special na babae sa buhay ko.

“Eh, nung dumating po si Ivy, nag-iba yung ihip ng hangin. Kumbaga, parang may mga ugali siya na medyo malapit sa nanay ko, so habang dumaraan ang panahon naramdaman ko na she deserves na… at yon yung pinaka-way ko para ma-seal ko yung love ko sa kanya kaya last year lang po kami nagpakasal,” pahayag ni Gardo na kapipirma lang ng kontrata sa Viva.

Aminado ang actor-“Tiktokirist” na bago si Ivy ay marami talaga siyang naging girlfriends.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

here we go 😂😂😂 i love you wifey 😂👍🧁🙏❤️🥰 #goodvibes #takongNiCupcake

A post shared by gardo versoza ( CUPCAKE ) (@gardo_versoza) on

 

“Noon po medyo mahilig ako sa chicks pero nung dumating siya sa buhay ko, nag-iba. High heels na ang hilig ko nga,” pabiro niyang pahayag.

Binalikan din ni Gardo ang panahong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz. Kung hindi raw dahil kay Machete (pelikula ng Seiko Films) ay hindi siya makikilala sa showbiz.

Mennen Torres Polintan ang tunay na pangalan ni Gardo. Si Robbie Tan ng Seiko Films ang nagbigay sa kanya ng Gardo Versoza.

“At first akala ko po parang… parang pangalan ng kargador sa pier. And then nung tumagal po, yon kumbaga na-enjoy ko na yung pangalan,” reaksyon ng aktor.

“Bukod do’n sa pagiging Machete ko, siguro kahit na rin yung pag-i-ST ko before, malaking bagay na naging Gardo Versoza ako. Yung Machete yung palaging tawag nila sa akin.

“Naging Machete ako kasi yon yung time na ayaw nang mag-ST ni Cesar (Montano).  Kumbaga, may nabakanteng pwesto sa Seiko and yon nag-screen test ako and awa ng Diyos nakapasok naman kaya ko nagawa yung Machete,” pagbabalk-tanaw ni Gardo.

Dagdag pa niya, “Kung hindi siguro ako nag-artista at natapos ko yung pag-aaral ko baka engineer ako ngayon.”