Hindi napigilan ni Aiko Melendez na maiyak sa inihandang sorpresa sa kanya ng partner na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun para sa kanilang ikatlong anibersaryo.
Sa kanyang pinakabagong vlog, ipinakita ni Aiko ang mga naging kaganapan sa nasabing sorpresa ni Jay na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan.
Pagpasok pa lang ni Aiko, tumulo agad ang luha niya ito nang makita na may banda na umaawit pagpasok pa lang niya.
Read:Aiko Melendez, boyfriend mark third anniversary
Pag-amin ng aktres, hindi niya inaasahan ang naging sorpresa sa kanya lalo pa’t ang buong pag-aakala niya ay simpleng hapunan lamang ang inihanda ni Jay para sa pagdiriwang ng kanilang espesyal na okasyon.
“I thought it was just a simple dinner. Little did I know, VG planned a surprise dinner with our families and friends,” ani Aiko.
Sambit pa ni Aiko na tila hindi makapaniwala sa mga kaganapan: “Nakakaloka ang jowa ko.”
Read:Aiko Melendez, inaming napag-uusapan nila ni Jay Khonghun ang pagpapa-freeze ng kanyang eggs
Panoorin ang vlog ni Aiko sa ibaba:
Makikita din ang pagiging close nina Jay at anak nitong si Martina na nag-duet pa ng kantang “Kahit Ayaw Mo Na.”
Samantala, sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Aiko si Jay na aniya’y naniwala sa kanya sa mga oras na nagdududa siya sa kanyang sarili.
Read:From size 10 to size 6: How Aiko Melendez achieved weight goal
“I want to thank you for encouraging me to do my best, [I] want to thank you for believing in me when I can’t even believe in myself,” ani Aiko.
“We have our ups and downs, We get annoyed with each other, One thing [I’m] certain about is [I wouldn’t] want this with another,” dagdag pa ni Aiko.