Isang malaking tagumpay ang new normal virtual concert ng Manila Symphony Orchestra na naganap noong October 30, 2020. Napanood ito sa official Facebook page ng Ayala Museum na isa sa partners ng pagbubuo ng makahulugang charity project na layon magbigay ng isang taon na internet access sa bawat isang estudyanteng kabataan sa loob ng isang taon.
Naging pahulaan naman sa concert kung anu-ano ang sampung immortal OPM songs na napili ng Manila Symphony Orchestra na para sa kanila ay walang kupas at nananatiling paborito ng ating mga kababayan.
Pasok sa sampu ang mga awiting likha ng National Artist for music na si Ryan Cayabyab; OPM Legends Rey Valera, Louie Ocampo at Willy Cruz, folk singers na sina Freddie Aguilar at Florante, at ang Rock Legend na si Ely Buendia.
Limang-Dipang Tao (1981)
Composed and arranged by Ryan Cayabyab
Si Aida, O si Lorna, O si Fe (1989)
Composed by Louie Ocampo
Anak (1978)
Conposed by Freddie Aguilar
Handog (1970)
Composed by Florante
Sana’y wala nang Wakas (1986)
Composed by Willy Cruz
Kahit Maputi na ang buhok ko (1981)
Composed by Rey Valera
Ang Huling El Bimbo (1996)
Composed by Ely Buendia
Sa tulong ng Ayala Foundation at Avida, inaasahan na masusundan pa ang “The Rush Hour” concert series dahil isa itong malaking tagumpay na tumutulong sa mga kabataan na maitawid ang kanilang edukasyon sa panahon ng pandemya.