• Home
  • Fresh Scoops
  • Naging emosyonal si Buboy Villar nang ikuwento ang paghihiwalay nila ng kanyang partner na si Angillyn Gorens.

PANOORIN: Buboy Villar, nagsalita na tungkol sa hiwalayan ng American partner

Naging emosyonal si Buboy Villar nang ikuwento ang paghihiwalay nila ng kanyang partner na si Angillyn Gorens.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/09/2020 06:52 PM
PANOORIN: Buboy Villar, nagsalita na tungkol sa hiwalayan ng American partner
Photo credit: @Buboy Villar on YouTube Channel

Nagsalita na sa unang pagkakataon si Buboy Villar ilang araw matapos maiulat ang paghihiwalay nila ng kanyang non-showbiz American partner na si Angillyn Gorens. 

Sa kaniyang YouTube vlog, kinumpirma ni Buboy ang mga lumabas na balita tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang partner. 

Ang totoo po niyang mga Bok, hiwalay na po kami ni Angillyn. Legit po ‘yun. Walang halong script. At kung sa tingin niyo ginagawa ko lang po ito para sa YouTube account po, hindi po. Wala po akong pakialam kung sumikat po ako dito sa YouTube o hindi. Ang importante po, nag-eenjoy po ako dito sa ginagawa ko,” ani Buboy. 


Read:Buboy Villar and Angillyn Gorens split after four years

Inamin naman ni Buboy na sinubukan nilang ayusin ang kanilang relasyon. 

Pero ‘yun po talaga ‘yung totoo mga Bok. Naghiwalay po kami ni Angillyn mga two years na or mag-tu-two years. Kasi po ‘yung unang taon, talagang naghiwalay kami. ‘Yung isang taon, triny pa naming ma-develop ‘yung sarili namin, hanapin namin ‘yung spark.”

Ani Buboy, hindi niya agad inamin sa publiko ang tungkol sa hiwalayan nila upang protektahan si Angillyn sa mga bashers. 

Matagal ko rin po dapat inamin na wala na kami ni Angillyn. Sinabi ko lang po kasi malaki ang respeto ko para kay Angillyn,” ani Buboy. 

Dagdag pa niya: “Kasi ito nga ang sinasabi ko. Kung ako lang ang i-babash niyo at kung ako lang din ‘yung taong hipokrito na sasabihin na hindi alam ang pinagsasasabi, kaya ko pong tanggapin ‘yung mga ganu’ng salita kasi wala po akong pakialam sa mga basher maniwala po kayo sa hindi.” 

Read:Buboy Villar shows his daughter for the first time on social media

Hindi rin umano agad na nagsalita si Angillyn dahil natakot daw ito sa mga posibleng ibato kay Buboy. 

Iniisip ko lang po si Angillyn kasi siyempre marami rin po ang ang nagtatanong sa kanya na ‘kumusta kayo?’ Siyempre hindi po siya makapagsalita dahil gawa nga rin ng tungkol sa akin kasi baka mamaya, kung ano daw mangyari sa akin,” saad niya.

Pagpapatuloy ni Buboy: “Sabi ko, wala naman akong pakialam kung sasabihin mo sa mga tao na wala na tayo kasi wala naman na talaga tayo.” 

Nilinaw naman ni Buboy na walang third party sa hiwalayan nila ni Angillyn. “Kung magtatanong man kayo sa kung ano ang dahilan ng pagkakahiwalay po namin ni Angillyn mga Bok, hindi po kami naghiwalay sa third party. Hindi po,” ani Buboy. 

Ayon kay Buboy, nakaramdam siya ng panghihinayang sa nangyari sa kanila. “Talagang nagkataon lang sobrang close na namin, hindi na kami naging masaya sa isa’t-isa at marami akong pagkukulang sa kanya na iniisip ko ang laki ng pangihihinayang ko.”

Read:Buboy Villar shows his daughter for the first time on social media

Gayunpaman, naniniwala si Buboy na may dahilan ang nangyari sa kanila. “Ngayon ko sana nakita ‘to, ‘yung problema namin dati ni Angillyn, sana naging okay pa. Pero lahat na nangyayari sa atin mga Bok may dahilan.” 

Sa kabila ng lahat ng nangyari, nangako sina Buboy at Angillyn na papalikihin nila ang kanilang anak. 

At ang mahalaga po nu’n at ang pinakaimportante po na pinag-usapan namin bago kami maghiwalay ay ayusin natin ang mga anak natin. Papalakihin natin ng maayos ang anak natin

Ayon kay Buboy, kasulukang nasa Amerika ngayon si Angillyn para maghanap-buhay para sa kanilang anak. 

Sinabi naman ni Buboy na hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angillyn sa hinaharap. 

Panoorin ang vlog ni Buboy sa ibaba: 

Unang nakilala si Buboy noong taong 2007 nang sumali siya sa reality singing competition na Little Big Star.

Kasalukuyan naman siyang aktibo naman sa pag-vavlog sa YouTube kung saan mayroon siyang 800,000 followers.