• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay ng mensahe si Arnel Pineda sa mga nambabatikos sa kanya at sa kanyang pamilya.

Arnel Pineda, nagsalita na tungkol sa pagkakaaresto ng kanyang kapatid

Nagbigay ng mensahe si Arnel Pineda sa mga nambabatikos sa kanya at sa kanyang pamilya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/09/2020 09:51 AM
Arnel Pineda, nagsalita na tungkol sa pagkakaaresto ng kanyang kapatid
Photo Credit: @arnelpineda2007 Instagram

Naglabas ng mensahe ang rock singer na si Arnel Pineda para sa mga nambabatikos sa kanya ilang araw matapos maaresto ang kanyang kapatid dahil sa umano’y ilegal na droga.

Ani Arnel, may mga bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin maliban sa pambabash sa social media nang nakatago sa kanilang screens.

 


 

"To the bashers who chose to cowardly succumb to prejudism and unkindness while hiding conveniently in the cloak of your keyboards & computer screens, there are more helpful & useful things to do, like facing your precious mirror once in a while.”

Dagdag pa ng Journey frontman, hindi dapat ito ikatuwa dahil posible itong sa kanila din. 

“Who knows, you might find yourselves as imperfect as me, my family and everyone else,” saad ni Arnel. 

Samantala, nagpasalamat naman si Arnel sa mga kaibigan at tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng kanyang pinagdadaanang pagsubok ngayon. 

READ: Arnel Pineda dedicates new song for COVID-19 frontliners

"To my real friends & supporters, who know that our friendship is eternally unbounded by time & space, you know who you are. Thank you for your prayers & love. You don’t even know how much all of you have hugely blessed us by sending kind & comforting words. May God be with you all always," aniya. 

Tingnan ang post ni Arnel sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

to the bashers who chose to cowardly succumb to prejudism & unkindness while hiding conveniently in the cloak of your keyboards & computer screens,there are more helpful & useful things to do,like facing your precious mirror once in a while.who knows,you might find yourselves as imperfect as me,my family and everyone else.. to my real friends & supporters,who knows that our friendship is eternally unbounded by time & space,you know who you are. thank you for your prayers & love..you don’t even know how much all of you have hugely blessed us by sending kind & comforting words.may God be with you all always🙏🙏🙏 love & peace.. photo by @borjmeneses

A post shared by arnel c. pineda (@arnelpineda2007) on

 

Naaresto ang kapatid ni Arnel na si Rusmon Pineda matapos matimbog sa isang buy-bust operation sa Barangay Obrero, Quezon City noong Martes, Oktubre 6.

Unang nakilala si Arnel noong ‘80s. Nakilala naman ito sa international scene nang i-anunsyo bilang bagong frontman ng bandang Journey taong 2007.