• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa October 25 na ang coronation night ng Miss Universe Philippines

SILIPIN: Kandidata ng 2020 Miss Universe Philippines, patalbugan sa bagong pictorial

Sa October 25 na ang coronation night ng Miss Universe Philippines

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

10/07/2020 09:51 PM
SILIPIN: Kandidata ng 2020 Miss Universe Philippines, patalbugan sa bagong pictorial
Photo credit: Miss Universe Philippines Facebook page

Hindi na mapipigil pa ang patalbugan ng 48 nag-gagagandahang kandidata ng unang edisyon ng Miss Universe Philippines.

 

Posted by Miss Universe Philippines on Wednesday, July 15, 2020

 


Sa pictorial pa lang, kanya kanya ng pasiklaban ang mga kandidata na handang handa na sa nalalapit na coronation night sa darating na October 25.

 

Our contenders, in undoubtedly the most eventful year in Philippine Pageant history, have been through many ups and...

Posted by Miss Universe Philippines on Wednesday, September 30, 2020

 

Nagkaroon man ng delay dahil sa COVID-19, mas lalong nabigyan ng pagkakataon ang mga kandidata na makapaghanda para sa kanilang nalalapit na laban sa Mall of Asia Arena.

Bukod sa latest pictorial, sumabak na rin sa iba’t ibang online activities ang mga kandidata kabilang na ang mga endorsement shoots at Ring of Light activity kung saan nagkaroon ang mga kandidata na mabigyan ng tulong ang kanilang mga chosen beneficiaries.

At sa nalapit na coronation night, isa rin sa inaabangan ang maugong na balitang pag-gamit ng mga kandidata ng kanilang native dialect sa pagsagot sa Question and Answer portion.

Si Gazini Ganados ang reigning Miss Universe Philippines at inaasahan na magpapasa ng korona sa unang kandidata na magwawagi sa first edition ng Miss Universe Philippines.