• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpa-house tour si Lyca Gairanod sa ipinagawang bahay para sa kanyang pamilya.

PANOORIN: Lyca Gairanod, ipinasilip ang ipinatayong bahay para sa kanyang pamilya

Nagpa-house tour si Lyca Gairanod sa ipinagawang bahay para sa kanyang pamilya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/07/2020 04:03 PM
PANOORIN: Lyca Gairanod, ipinasilip ang ipinatayong bahay para sa kanyang pamilya

Nagpa-house tour ang dating The Voice Kids champion na si Lyca Gairanod sa bahay na aniya’y ipinagawa niya para sa kanyang pamilya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Greek God 👾


A post shared by Lyca (@lycagairanod.1) on

 

Ani Lyca, malapit lang ang nasabing bahay sa kung saan siya lumaki kasama ang kanyang lola at ibang kamag-anak. 

“Pinagawa ko ‘tong bahay na ‘to para may matutuluyan kami ng mga family namin just in case makita ulit namin ‘yung bahay namin. Nandiyan lang din ‘yung bahay namin. Malapit lang din. Konting lakad lang,” ani Lyca. 

PANOORIN: Lyca Gairanod, bumuhos ang luha sa muling pagbisita sa lumang bahay​

Bagama’t simple lang ang bahay na ipinagawa ni Lyca, sinabi ng dalagang singer na plano pa umano niyang ipaayos ito. 

“Plain man ang bahay na ito, hindi man kalakahihan, at least nakakapagpahinga tayo ng maayos and okay naman itong bahay na ‘to. Actually, may mga plans pa ako sa bahay na ‘to. Soon malalaman niyo din,” ani Lyca. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@crtrymrch 👾

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1) on

 

Dito, ikinuwento ni Lyca na binibisita siya ng kanyang lola sa kanyang ipinagawang bahay tuwing gusto nitong magpahinga. 

Lyca Gairanod, ipapagawa na ang bahay ng kanyang lola​

“Minsan dito si Lola nag-sstay ‘pag gusto niya magpahinga ganu’n. Minsan lang siya napunta du’n sa bahay kasi ‘di pa naman tapos ‘yun. 

Panoorin ang video below: 

Ibinahagi naman ni Lyca ang kanyang excitement na masungkit ang kanyang Gold Play Button dahil mayroon na siyang 967,000 subscribers sa YouTube sa kasalukuyan. 

“Sinabit ko siya dito guys dahil napaka-importante nito sa akin nitong play button. Next time guys, magiging dalawa na ‘yan kasi road to one million na tayo,” saad ni Lyca. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Shawararat 🦩

A post shared by Lyca (@lycagairanod.1) on

 

Matatandaang nabiyayaan din ng bagong bahay si Lyca nang manalo ito sa The Voice Kids noong taong 2014.