• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray wants to promote ang One Town, One Product campaign.

LOOK: Catriona Gray visits Zamboanga City to promote new advocacy

Catriona Gray wants to promote ang One Town, One Product campaign.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/07/2020 02:55 PM
LOOK: Catriona Gray visits Zamboanga City to promote new advocacy
Photo Credit to Beng Climaco Facebook

Hindi napigil ng COVID-19 si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa pagsusulong ng bagong programa na kasama ng Department of Trade and Industry.

Sa Facebook post ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco, makikita ang pagbisita ng 2018 Miss Universe sa Zamboanga City para mag promote ng “OTOP” o ang One Town, One Product campaign ng Department of Trade and Industry.

“MISS UNIVERSE IN ZAMBOANGA! Mayor Beng Climaco warmly welcomes Miss Catriona Elisa Magnayon Gray to the City of Zamboanga. The model, singer, and beauty pageant titleholder who was crowned Miss Universe 2018 is in the City to help promote the One Town, One Product (OTOP) project of the Department of Trade and Industry and is expected to visit various sites and MSMEs today. Bienvenidos!” post ng City Mayor ng Zamboanga.


Base sa mga uploaded na larawan, mainit na sinalubong si Catriona ng mga kababayang taga-Zamboanga City kung saan nilibot pa ng beauty queen ang sentro ng gawaan ng Yakan textile na pangunahing produkto ng siyudad.

 

 

Kilala ang 2018 Miss Universe sa mga taga suporta ng Philippine fashion na kanyang ibinida sa Miss Universe stage.

 

 

 

Matatandaan na isa rin si Catriona sa mga ambassador ng National Commission of Culture and the Arts for 2020 dahil na rin sa kanyang pagsusulong ng Philippine fashion at pag-susuot ng mga disenyong 100 percent Filipino.