• Home
  • Fresh Scoops
  • Hinikayat ni Janine Berdin ang mga tao na huwag matakot sa pagbabago.

Janine Berdin, sinabing hindi dapat matakot sa pagbabago: ‘Do something to make yourself happy’

Hinikayat ni Janine Berdin ang mga tao na huwag matakot sa pagbabago.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/07/2020 08:46 AM
Janine Berdin, sinabing hindi dapat matakot sa pagbabago: ‘Do something to make yourself happy’
Photo Credit: @ml_salon_and_spa and @janineberdin Instagram

Usap-usapan sa social media ang singer na si Janine Berdin dahil sa kanyang trending look na talagang nagpahanga sa maraming netizens. 

 

 

Bagama’t may ilang kumekwestiyon sa “transformation” ni Janine, mas pinili nitong pasalamatan ang mga taong ikinatutuwa ang pagbabago sa kanyang mukha na pagdududa ng iba ay dumaan sa beauty enhancement. 

Sa panayam sa Kapamilya host na si Darla Sauler, inamin ng “Tawag Ng Tanghalan” Year 2 Grand Champion na flattered siya sa mga natatanggap niyang komento tungkol sa kanyang new look. Sa mga litratong kumakalat online, makikita ang purple ash na kulay ng buhok ni Janine. 

READ: Janine Berdin, sumailalim nga ba sa beauty enhancement?

"I'm very flattered kasi ang gaganda ng compliments. Thank you, guys. I really appreciate it," ani Janine. 

Hinikayat naman ni Janine ang ibang tao na huwag matakot sa pagbabago lalo pa’t kung ito ay ikakatuwa nila. 

 

 

“Siguro naging blooming po ako kasi hindi po ako natakot of change. I think that's what everyone should keep in mind — na we shouldn't be afraid of change na puwede tayong mag-change. Na if there's something you don't like about yourself and that you are not happy about it, then you can do something,” ani Janine. 

Dagdag pa niya: “Do something to make yourself happy. You only live once, hindi ba? Just do things that will make you happy."

Pagpapatuloy ni Janine, mas masaya na siya ngayon tuwing tinitingnan niya ang mga litrato at videos niya kumpara noon na nakakaramdam siya ng pagiging conscious sa sarili. 

READ: Rhap Salazar, dinepensahan si Janine Berdin sa mga pambabatikos

“Kasi kapag hindi ka masaya sa sarili mo, magre-reflect. Kasi nakikita ko rin sa mga post ko rati mga videos ko parang nakikita ko rin kung gaano ako ka-self-conscious. Now when I look at my photos now, when I look at all the videos I take, parang ang saya ko. Parang nakikita ko na ang saya ko na, parang ang saya ko na sarili ko,” pag-amin ni Janine. 

Sinabi naman ni Janine na hindi dapat ikondena ang mga taong gusto ng pagbabago para sa kanilang mga sarili. 

"Let's not be afraid of change and let's not condemn change. Kung may gustong mag-change, ipa-change mo sila. Bahala sila basta masaya sila. So 'yun lang. Oh my gosh, I can't believe I'm saying this,” ani Janine. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, tila nag-iwan naman ng mensahe si Janine para sa mga taong nambabatikos sa kanya sa pinakabagong post nito sa Instagram. 

“Usa ra akong maingon ninyo tanan: manutbrash palang mo (Isa lang masasabi ko sa inyong lahat, mag-toothbruth nalang kayo).”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Usa ra akong maingon ninyo tanan: manutbrash palang mo

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin) on

 

Enero nitong taon ng ipagdiwang ni Janine ang kanyang ika-18 na kaarawan at ngayo’y busy sa kanyang pag-aaral.

Sinabi naman ni Janine na malapit na siyang mapanood muli ng kanyang mga tagahanga sa It’s Showtime.

Sumali si Janine sa iba’t-ibang kompetisyon sa Kapamilya network bago pinalad na manalo sa Season 2 ng “Tawag Ng Tanghalan.” Ilan dito ang “Tawag Ng Tanghalan” Year 1, The Voice Kids, at Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Superstars 4.