EXCLUSIVE: SPOTTED! Ara Mina and rumored boyfriend huling magka-date sa simbahan sa Laguna

Mukhang may love life na ulit si Ara Mina.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/07/2020 03:16 PM
EXCLUSIVE: SPOTTED! Ara Mina and rumored boyfriend huling magka-date sa simbahan sa Laguna

Kumbaga sa famous line ng investigative docu-drama ng ABS-CBN na SOCO hosted by Gus Abelgas na “hindi nagsisinungaling ang mga ebidensiya”  ay wala na marahil dahilan pa si Ara Mina na itangging meron ng bagong nagpapatikbok ng kanyang puso ngayon.

Sa litratong ekslusibong nakuha ng PUSH ay kitang-kitang ang malagkit na tinginan ni Ara at ng lalaking kasama niya sa loob ng isang simbahan sa Laguna.

Ito na nga kaya ang lalaking napapabalitang bagong boyfriend ng actress-entrepreneur? O baka naman malapit na kaibigan niya lang ang lalaki?


Sa pagre-research ng PUSH ay napag-alaman namin na ang lalaki sa larawan ay si Dave Almarinez. Siya ay dating Provincial Board Member ng Laguna at ngayon ay president and CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC).

Sa pananaliksik din ng PUSH ay napa-alaman namin na dalawang taon ng nanliligaw itong si Dave sa FPJ’s Ang Probinsyano star. At marahil, dahil persistent si Dave na i-pursue si Ara kaya lumambot na rin ang puso niya rito.

Kunsabagay, ilang taon na rin namang single si Ara pagkatapos ng huling relasyon niya kay Patrick Meneses na ama ng kanyang five-year-old daughter na si Mandy.

Sa mga previous interviews ng PUSH kay Ara ay hindi niya naman itinatanggi na gusto pa rin niyang magpakasal at magkaroon ng kapartner sa buhay. Yon nga lang, up to this date ay wala pa naman siyang ipinakikilalang boyfriend.