• Home
  • Fresh Scoops
  • Angat na angat ngayon ang personalidad ng singer na si Janine Berdin sa kaniyang new look.

TINGNAN: Janine Berdin, sumailalim nga ba sa beauty enhancement?

Angat na angat ngayon ang personalidad ng singer na si Janine Berdin sa kaniyang new look.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/06/2020 11:30 AM
TINGNAN: Janine Berdin, sumailalim nga ba sa beauty enhancement?
Photo Courtesy Mary Letim Ponce Facebook post and @janineberdin Instagram

Tila pansin ngayon ng netizens ang malaking pagbabago sa mukha ng “Tawag Ng Tanghalan” sa It’s Showtime season 2 grand champion na si Janine Berdin.

Sa isang social media post ni Mary Letim Ponce ng ML Salon and Spa, makikita na bukod sa bagong purple ash blond hair ni Janine, tila mababakas rin ang pagbabago sa mukha ng It’s Showtime singer.


Photo Courtesy Mary Letim Ponce Facebook post

Dahil sa kaniyang new look, hindi maiwasan na pag-pistahan ng iba’t ibang komento ang singer na halos lahat ay papuri at paghanga mula sa kaniyang mga supporters.

Screenshots from @JanineBerdin IG

Samantala,  sa kanyang Instagram account, makikita ang isang post na tila sagot ng singer sa katanungan ng netizens tungkol sa kaniyang bagong look.

Screenshots from @JanineBerdin IG

Hindi pa man kinompirmado, mababakas naman ang magandang epekto ng desisyong beauty beauty enhancement ng singer na mas lalong napa-angat ng kaniyang personalidad bilang isang public figure.

Taong 2018 nang itanghal na Kampeon ng “Tawag Ng Tanghalan” sa It’s Showtime  si Janine.

Sa ngayon, patuloy na napapanood si Janine sa It’s Showtime live updates kung saan kasama niya ang iba pang hosts ng Kapamilya noontime show.