• Home
  • Fresh Scoops
  • Maliban kay Rhap Salazar, maraming netizens din ang dumepensa sa new look ni Janine Berdin.

Rhap Salazar, dinepensahan si Janine Berdin sa mga pambabatikos

Maliban kay Rhap Salazar, maraming netizens din ang dumepensa sa new look ni Janine Berdin.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/06/2020 06:19 PM
Rhap Salazar, dinepensahan si Janine Berdin sa mga pambabatikos

Isa si Rhap Salazar sa mga dumepensa kay Janine Berdin laban sa mga pambabatikos na natatanggap ng singer sa social media.

 

 

Nitong Martes, Oktubre 6, nag-trending ang “Tawag Ng Tanghalan” Year 2 Grand Champion na si Janine Berdin dahil sa litratong i-pinost nito sa kanyang Instagram kung saan kita ang kanyang purple ash hair. 

TINGNAN: Janine Berdin, sumailalim nga ba sa beauty enhancement?​

Bagama’t hindi malinaw kung dumaan nga ito sa beauty enhancement, marami ang bumatikos sa pagbabago sa mukha nito. 

Kaya naman dumepensa ang kapwa nito singer na si Rhap Salazar sa Twitter at sinabing: “Janine Berdin is beautiful. Her body, her choice. Periodt.”

 

 

Samantala, marami din ang dumepensa kay Janine na patuloy na pinag-uusapan sa social media dahil sa kanyang trending look. 

Janine Berdin, inaming natakot makalimutan ng fans​

“I don't get it why up until now, getting plastic surgery is still a big deal in the PH. Stop your ‘mas maganda siya nung hindi siya nagpa retoke’ narrative. Janine Berdin didn't get plastic surgery to please you. She did that for herself,” ani ng isang netizen. 

 

 

“I think we should start normalizing cosmetic surgeries here in our country. i can still remember what some of y'all did to Arci Muñoz back in 2017 when she had her nose done. There's nothing wrong with cosmetic surgeries, as long as it's for yourself. Ang ganda, Janine Berdin,” saad ng isa pang netizen. 

 

 

Pinuri din ito ng isa pang netizen at sinabing: “A glow up without hates. Ghorl if I have this money, I will do the same, not because of the sake of the judging people but to boost my confidence. Everyone is beautiful it's just depends on how we carry it on. Thumbs up Janine Berdin!”

 

 

Taong 2018 nang manalo si Janine sa “Tawag Ng Tanghalan” ng It’s Showtime. Nakilala din siya bilang isang host sa online segments ng nasabing noontime show.