• Home
  • Fresh Scoops
  • Tila bagong journey muna away from the limelight ang tatahakin ng aktor na si Joshua Garcia, na magbabalik sa kaniyang pag-aaral.

TINGNAN: Joshua Garcia, handa na sa kaniyang pagbabalik sa pag-aaral

Tila bagong journey muna away from the limelight ang tatahakin ng aktor na si Joshua Garcia, na magbabalik sa kaniyang pag-aaral.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/05/2020 09:08 AM
TINGNAN: Joshua Garcia, handa na sa kaniyang pagbabalik sa pag-aaral
Photo Credit: @garciajoshuae Instagram

“It’s never too late to do something new. Use this pandemic time to create or learn new things.”

Photo courtesy @garciajoshuae


Ito ang caption ng aktor na si Joshua Garcia sa kaniyang naging Instagram story post nitong nagdaang Biyernes October 2.

Kalakip ng post ang ID picture kung saan makikita ang plano ng aktor na pagbabalik sa kaniyang pag-aaral na pansamantalang natigil dahil na rin sa kaniyang pagsabak sa iba’t ibang proyekto sa pelikula, at telebisyon.

READ: Bagong hobby ni Joshua Garcia, impluwensiya ni Julia Barretto?

Ayon sa post ni Joshua, siya ay magpapatuloy sa kursong entrepreneurship sa Southville International School Affiliated with Foreign University.

“You just need courage and perseverance. And remember, ‘Procrastination is the enemy of Success’,” sabi pa niya sa kanyang post. 

Makikita rin sa pahayag ng aktor ang katagang: “Not paid promotion” ang kaniyang pag-aaral na nangngahulugan na desidido talaga siya sa kaniyang balik-edukasyon.

Matatandaan na sa huling ulat ng PUSH, patuloy si Joshua sa pag-explore ng iba’t ibang pagkakabalahan tulad ng pagbabasa ng iba’t ibang libro at pagsisimula ng kaniyang YouTube channel.

READ: Joshua Garcia, ibinahagi ang mga plano sa kaniyang gagawing vlog

Kasabay na rin ng pandemya ng COVID-19 at pagsasara ng ABS-CBN, pansamantalang natigil ang ilan sana sa mga proyekto ng aktor na dahilan na rin para siya ay magkaroon ng maraming oras para sa kaniyang pag-aral.