• Home
  • Fresh Scoops
  • Ramdam ni Regine Velasquez ang problema ng maraming mommies ngayon sa homeschooling ng kanilang mga anak.

Regine Velasquez, relate sa challenges ng maraming ina ngayong home school set-up

Ramdam ni Regine Velasquez ang problema ng maraming mommies ngayon sa homeschooling ng kanilang mga anak.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/05/2020 11:34 AM
Regine Velasquez, relate sa challenges ng maraming ina ngayong home school set-up
Photo Credit: @reginevalcasid Instagram

Aminado si Songbird Regine Velasquez-Alcasid na extra challenge ngayon sa kaniya bilang isang ina ang home schooling na setup ng kaniyang anak na si Nate Alcasid.

Kuwento ni Regine sa naganap na digital conference ng para sa annual PLDT Smart Gabay Guro gatherings, hindi basta basta ang naging adjustment ng mga bata sa new normal pagdating sa kanilang pag-aaral.

READ: Stars unite for Gabay Guro’s first-ever virtual Grand Gathering


“At the beginning of this on line schooling, Nate has been having a hard time. He couldn’t really concentrate because it’s a different set up e,’” tugon ni Regine sa panayam. “He’s at home, he’s not with his friends with his classmates. So I always make him kulit to study,” patuloy pa niyang kuwento.

Ayon pa kay Regine, hindi man siya tutok sa academics ni Nate, isa naman sa naging tinutukan niya ang kailangang atensyon ng anak sa pag-aaral nito.

“I don’t have to teach him everything about what he’s studying. Thank God, his teacher is taking care of that. Kasi sa totoo lang, hindi ko na alam ang mga pinag-aaralan nila (laughs),” pabirong tugon ng singer.

“Pero noong umpisa, medyo hirap talaga siya. So I always ask yung pinaka principal nila and I was telling that Nate is having a hard time in school. For some reason he cannot concentrate and she was telling me na all of them are like Nate, apparently. It’s because nga of this different set up and we’re trying to get used to it,” patuloy na kuwento ni Regine.

Dahil na rin sa tiyaga nilang mga nakapaligid kay Nate, unti-unti na din itong nag a-adjust sa home school set up na bahagi ng new normal ngayon sa mga estudyante.

“But after two weeks, thank God, he’s able to adapt and he’s able to concentrate na in his school,” ani Regine.

Dahil sa bagong normal, mas lalo rin naiintindihan ni Regine ang hamon na ito sa para sa mga teachers na tutok rin sa pagbibigay ng bagong kaalaman sa kanilang mga mag-aaral.

“I really see that the teachers are really having a hard time din kasi iba ‘yung set up. Kasi siyempre ‘pag nasa bahay, ‘yung iba sa kanila nakakatulog (laughs) or mag music, mag iPad, so yung rules namin sa bahay, bawal pa rin naman. Bawal pa din siya mag iPad, basta dapat after school so kung gusto niya to talk to his classmates dapat after school,” sabi pa ni Regine.

Kung challenging man, tinitingnan pa din na advantage ni Regine ito bilang isang nanay. Aniya, nagkakaroon pa rin ng pagkakataon na makipag interact ang kaniyang anak sa mga kaibigan at classmates nito kahit na panahon ng pandemya.

“Although isa yun sa mga natutuwa ako kasi online lahat, siyempre wala naman siya interaction with the same age (dito sa amin) so kawawa rin buti na lang, maganda rin yung connection namin he’s able to communicate with his classmates and yung cousins niya doon sa Bulacan,” pahayag ng singer.