• Home
  • Fresh Scoops
  • Jojowain umano ni Mommy Pinty si Yorme Isko Moreno at si Bise President Leni Robredo naman para kay Daddy Bonoy.

PANOORIN: Mommy Pinty at Daddy Bonoy ni Alex Gonzaga, sumabak sa ‘Jojowain o Totoropahin’ Challenge

Jojowain umano ni Mommy Pinty si Yorme Isko Moreno at si Bise President Leni Robredo naman para kay Daddy Bonoy.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/05/2020 08:58 AM
PANOORIN: Mommy Pinty at Daddy Bonoy ni Alex Gonzaga, sumabak sa ‘Jojowain o Totoropahin’ Challenge
Screenshot from Alex Gonzaga Official YouTube Channel

Nagkasubukan ang mag-asawang Bonoy at Pinty Gonzaga nang sumabak sila sa “Jojowain o Totropahin” Challenge sa vlog ng kanilang anak na si Alex Gonzaga.

Lingid sa kaalaman nina Pinty at Bonoy, parehas silang kinausap ni Alex bago magsimula ang vlog upang i-prank ang isa’t-isa. 

Sa nasabing challenge, nagbigay si Alex ng listahan ng mga sikat na lalaki at babaeng celebrities at pinapili ang kanyang mga magulang kung jojowain o totropahin ang mga ito sakaling mabigyan sila ng pagkakataon. 


WATCH: Alex Gonzaga shocks household with fake tongue prank

Ilan sa mga pinagpilian ni Daddy Bonoy ay sina Marjorie Barretto, Alma Moreno, Sharon Cuneta, Jenine Desiderio, Anjanette Abayari, Cathy Garcia-Molina, dating Miss Universe Margie Moran, at Bise Presidente Leni Robredo.

Pag-amin ni Pinty, minsan na siyang napagkamalang si Bise Presidente sa habang nakasakay sa eroplano. “Sa airplane, may lumapit sa akin,” sambit ni Pinty. 

 

 

“Pwede siyang jowa. Simple siya kasi,” ani Daddy Bonoy. Agad naman itong sinagot ni Pinty at sinabing: “Oo kasi hawig ko ‘di ba?”

Samantala, sina Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Diether Ocampo, Bernard Palanca, Carlos Agassi, Jericho Rosales, Vic Sotto, at Manila Mayor Isko Moreno naman ang pinagpilian ni Mommy Pinty.

Inamin naman ni Mommy Pinty na jojowain niya ang alkalde ng Maynila. “So cute kaya ni Isko,” pag-amin ni Pinty tungkol kay Isko. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

New VLOG!! Nagjogging at larong kalye with the parents na humantong sa awayan.. hay! #LinkinmyBio

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

 

Sambit naman ni Daddy Bonoy: “Mananalo na ako. Alam mo kung bakit? Hindi naman manliligaw ‘yun eh.” 

Sinagot naman ito ni Mommy Pinty ng “Excuse me? Dalawang beses kitang binasted.” 

READ: Sharon Cuneta tells Mommy Pinty to leave Alex Gonzaga: ‘Iwanan niyo na po ‘yung anak niyong ‘yan’

Bagama’t kita naging epektibo ang ginawang prank ni Alex, mariing sinabi ng mag-asawa na hindi sila na-prank ng kanilang anak. 

Ngunit sa dulo ng vlog, nakuhanan ni Alex ang pagtatalo ng mag-asawa at inamin ni Bonoy na totoong nagagandahan siya sa ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio at sa asawa ni Christopher de Leon na si Sandy Andolong.

Panoorin ang nakakatawang vlog sa ibaba: 

WATCH: Alex Gonzaga pranks her parents that she is pregnant

Hindi ito ang unang beses na gumawa ng prank si Alex sa kanyang mga magulang. Ilan sa mga ginagawa pranks ni Alex sa kanyang mga magulang ang fake tongue prank. Minsan niya na ring niloko ang kanyang mga magulang na siya ay nagdadalang-tao sa kanyang fiancé na si Mikee Morada.