• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naman kinumpirma ni Kyle Echarri kung ano ang tamang bilang ng naging kasintahan niya.

PANOORIN: Ina ni Kyle Echarri, ibinunyag na nagkaroon na ng apat na kasintahan ang anak

Hindi naman kinumpirma ni Kyle Echarri kung ano ang tamang bilang ng naging kasintahan niya.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/05/2020 09:48 AM
PANOORIN: Ina ni Kyle Echarri, ibinunyag na nagkaroon na ng apat na kasintahan ang anak
Screenshot from Kyle Echarri YouTube Channel

Sumabak sa isang challenge ang ina at kapatid ni Kyle Echarri upang subukan ang kanilang kaalaman tungkol sa kanya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Libre gusot 😂


A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri) on

 

Maliban sa kanyang mga paboritong pagkain, singer, at mga lugar na gustong puntahan, isa sa mga tinanong ni Kyle sa kanila ay kung ilan na ang kanyang mga naging kasintahan.

READ: Kyle Echarri opens up about his first love

Bago ito sagutin ng dalawang importanteng babae sa buhay niya, tinanong muna ng ina ng Kadenang Ginto star kung kabilang dito ang kanyang mga naging kasintahan ng ilang buwan lamang.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#soon

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri) on

 

“Before I answer that, does it include puppy girlfriends? I mean, puppy love,” ani ng ina ni Kyle. “Would you count that as part of the number of [girlfriends]? Even the one month, two months, three months, four months, ganu’n? Short periods. Would you consider that?”

WATCH: Kyle Echarri makes a prank call to Francine Diaz

Ayon sa ina ni Kyle, naka-apat na girlfriends na ang kanyang binatang anak. Samantala, isa lang ang sinagot ng kapatid ni Kyle dahil matagal na umano ang naunang tatlo.

“Those three were a long time ago. I only know one of them,” ani ng kapatid ni Kyle. “I mean, I had it in mind there.” 

Paglilinaw naman ni Kyle, hindi niya kinumpirma ang mga naging sagot ng kanyang ina at kapatid at wala din umano siyang balak na sagutin ito sa mahabang panahon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Have a good day!

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri) on

 

“So didn’t answer that question before anyone starts saying I did answer that question and they know the answer. No, I did not, okay?” Dagdag pa niya: “I’m not answering that question. And I’m probably not going to answer that in a very long time.” 

Panoorin ang vlog ni Kyle sa ibaba: 

Nakilala si Kyle Echarri matapos sumali sa reality singing competition na The Voice Kids. Mas nakilala naman ang husay nito sa pag-arte matapos maging bahagi ng Kadenang Ginto kung saan nakatambal niya si Francine Diaz.