• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Karina Bautista na inoperahan siya matapos matagpuan ang tatlong cysts sa kanyang dibdib. 

PANOORIN: Karina Bautista, naging emosyonal matapos ibahagi ang pinagdaanang operasyon sa dibdib

Ibinahagi ni Karina Bautista na inoperahan siya matapos matagpuan ang tatlong cysts sa kanyang dibdib. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

10/04/2020 11:54 AM
PANOORIN: Karina Bautista, naging emosyonal matapos ibahagi ang pinagdaanang operasyon sa dibdib
Screenshots from Karina Bautista YT Channel

Naging emosyonal ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Karina Bautista sa kanyang bagong vlog matapos ibahagi ang kanyang pinagdaanang pagsubok kamakailan. 

Ayon kay Karina, sinikreto niya maging sa kanyang pinakamalalapit na kaibigan ang pinagdaanang operasyon sa kanyang dibdib. 

Bagama’t nagdadalawang-isip noong una kung isasapubliko niya na ito, napagtanto nito na handa na siyang ibahagi ang kanyang kwento lalo pa’t mas maayos na ang kanyang kalagayan ngayon. 

“Noong una hindi ko naman talaga alam kung ishe-share ko talaga siya kasi hanggang ngayon hindi din alam ng mga friends ko. Wala akong masyadong sinabihan. Talagang sinikreto ko. Pero ngayon mas handa na ako kasi mas okay na rin ‘yung kalagayan ng health ko,” ani Karina. 

TIGNAN: Dating PBB housemate na si Karina Bautista, ipinasilip ang kanyang bagong condo

Pagbabahagi ni Karina, nanonood siya sa isang streaming service kasama ang isang kaibigan nang may nakapa siyang bukol sa kanyang dibdib.

“It all started nu’ng August 4, 2020. Nanonood ako ng Netflix. Nakataas ‘yung kamay ko habang nanonood ako. And then bigla akong may nakapa. Para kasi siyang size ng almond ng M&Ms. Then pinakapa ko du’n sa friend ko. Sabi ko ‘Uy, tingnan mo nga’ tapos ‘yun kinapa niya din. Tas meron,” kwento niya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

liptint and curls

A post shared by π“šπ“ͺ𝓻𝓲𝓷π“ͺ 𝓑π“ͺ𝓾𝓽𝓲𝓼𝓽π“ͺ (@karebautista_) on

Agad naman umanong nagpa-checkup sa ospital si Karina upang ipasuri ang kanyang nakakapa sa kanyang dibdib. 

“Nu’ng time na ‘yun may menstruation ako so akala ko ‘Ah baka sa mens lang’ kasi minsan normal lang talaga ‘yan ‘pag that time of the month. Pero ayun sinearch ko din ‘yun din ang sabi so parang ako ‘Okay okay’ tapos nagsabi din ako sa management tapos kinabahan din sila. So sabi namin baka mas okay na ipa-checkup na din namin agad-agad,” aniya.

“Kinabukasan nagpa-checkup ako sa isang breast specialist tapos pinakapa ko kay Doc. Tapos sabi parang meron nga daw cyst ‘yung breast ko,” dagdag pa nito. 

BASAHIN: Aljon Mendoza at Karina Bautista, napre-pressure nga ba na i-level up ang friendship?

Pagpapatuloy pa niya: “Nu’ng una sabi ko ‘Doc, isa lang naman po ‘yung nakakapa ko. Pero nu’ng time na ‘yun sabi ni Doc ‘Oh parang dalawa. Ito oh,’ tapos nagulat ako. So may hindi pa pala ako nakakapa nu’ng time na ‘yun kasi mas maliit pa ‘yung isa. ‘Yung time na ‘yun may taping pa ako sa nagmadali pa kami.” 

Nagpa-ultrasound agad umano ang dating PBB housemate at pagkatapos ng bente kwatro oras ay nalaman niya na ang resulta.  

“Kailangan daw ipa-ultrasound so the next day kaagad, pina-ultrasound. And after 24 hours, nakuha ko na rin agad ‘yung results. Sabi naman nu’ng Doc na nag-ultrasound sa akin is hindi naman siya anything serious. So ‘wag daw ako masyado mag-worry. Tapos ‘yun naghintay ng 24 hours para sa result tapos nu’ng nakuha ko na siya, bumalik na nga ako kay Doc tapos sabi ko ‘Ito na nga po ‘yung results,’” kwento niya. 

Nang iabot na sa doktor ang resulta ng kanyang ultrasound, nalaman ni Karina na hindi lang isa o dalawa kundi tatlong cysts ang natagpuan sa magkabilang bahagi ng kanyang dibdib. 

“But then ang lumabas pala sa results ay tatlo pala ‘yung cyst na nakita sa both breasts ko. Nu’ng una kasi right ko siya nakapa. And then naging right and left tapos ngayon naging dalawang right and isang left. ‘Yung sinasabi kong parang size ng almond is parang bubble gum na nga daw. Parang lumaki ng parang 1.7cm. Ang advise ni Doc is tanggalin,” ani Karina. 

LOOK: Karina Bautista all-set to graduate this summer

Hindi namang napigilang maiyak ni Karina nang ibahagi niya ang nararamdaman niyang lungkot lalo pa’t hindi niya umano alam huhugutin ang pambayad sa mga gastusin. 

“Nalungkot ako kasi ‘di ba kaka-opera ko lang nu’ng Grade 10 ako. So iba na naman. Nalungkot lang ako kasi siguro more on sa gagastusin. Alam niyo ba dapat feeling ko over na ako dito. Tapos ngayon parang bumabalik na lang ulit lahat ng nangyari,” ani Karina. 

Pagbabahagi niya tungkol sa operasyon niya: “September 15 day of the operation na. Ayun naghanda naman ako. Tapos umiyak ako nu’ng nalaman ako. Tapos nu’ng operation parang masaya naman ako nu’n kasi parang sign of relief na lang din.” 

Ayon sa lumabas na resulta ng biopsy, nagkaroon ng fibroadenoma si Karina. Naging matagumpay naman ang operasyon ni Karina at ngayo’y balik-trabaho na ulit ito at ipinagpapatuloy na din niya ang kanyang pag-aaral. Panoorin ang emosyonal na vlog ni Karina sa ibaba: 

Nakilala si Karina matapos sumali sa Pinoy Big Brother kung saan tinawag siyang MIss Independent ng Isabela. 

Nakatambal niya ang kapwa housemate na si Aljon Mendoza at nakilala silang dalawa bilang KarJon.